Good pm po mga master ng Philmusic! Kailangan lang po ng konting abiso.
Anong pups po ba ang magandang ipalit sa stock pups ng Fender Telecaster? Yung hindi po maingay na pwede din para sa mas mabigat na music genre?
Meron na po akong gitarang naka-humbucker, so balak ko bumili ng Fender Telecaster, pero gusto ko po sana palitan yung mga pickups niya ng mas matapang at tahimik na stacked single-coil or single-coil sized na humbucker.
Any suggestions po?