Meron akong lumang amp na gustong gusto ko, pero nakatambak na siya kasi umusok and naluma na. Elk FS-62 siya(parang fender twin reverb clone).
Habang naglilinis ng mga gamit mga one month ago nakita ko uli yung amp, nanghinayang ako so naisipan ko ipa-repair. Dinala ko siya sa pinakamalapit na guitar/amp tech samin, two weeks ang lumipas hanggang sa sinabi niyang di niya kaya( in fairness to the tech, alam ko ginawa niya ang best niya to save the amp pero since it's old tapos konti lang details sa net medyo mahirap pero salamat parin man).
Hindi ko dinala kay mang raul kasi nga medyo malayo siya sakin and sabi nga ng karamihan mahirap siya makontak. Pero dahil nanghihinayang ako, kinontak ko padin, "tada" nagreply!! Nagpalitan kami ng details tungkol dun sa amp, hanggang sa sinabi niyang "dalhin mo, magagawa pa yan!".
Nagkaroon ako bigla ng pagasa, so dinala ko (wala siya nun sa bahay niya, pero nagsabi siya na iwan ko lang). That night nagtext agad siya ng quotation and ano mga dapat gawin, so pumayag ako and after 3 days nagtext siya na pwede ko na daw kunin.
Nasa akin na uli yung amp, and narestore niya yun, gumagana na uli lahat, pots, tremolo, reverbs.
Ang galing! Akala ko wala na chance.
I posted this para malaman ng mga nagpaplanong magpagawa sa kanya kung paano siya gumawa, the man is a freaking magician. I can say best of the best and very knowledgeable sa craft niya. Experienced din talaga siya kasi sinabi niya na alam niya yung amp ko, samantalang sa dami ng research na ginawa ko, konti lang info ko.