hulika

Author Topic: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA  (Read 10804 times)

Offline mikki_blinkme

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« on: January 31, 2011, 12:43:48 AM »
Q: Bakit kailangan nito sa mga panahon ngayon?

Dahil sa mundong pataas nang pataas ang stress levels, dala ng banta ng climate change, kriminalidad, trapik, polusyon. Wala nang mas nakakakulo ng dugo kesa sa isang taong hindi umaasal nang ayon sa kagandahan.

Q: Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pilosopiyang ito?

Ilang gabay, alituntunin, at halimbawa:

• Kung di naman kagandahan ang katawan (at lalo na kung tadtad ng kurikong ang balat), ‘wag mag-post ng mga Boracay pics sa Facebook. Polite lang ang mga kaibigan mo pero pinagtatawanan ka nilang lahat. ‘Yan ang mapait na katotohanan.
• ‘Wag artehan ang pananalita. Wag lagyan ng impit at kulot kung wala rin lang natural na impit at kulot ang dila mo—unless lumaki ka sa US, nag-aral sa mamahaling paaralaan, nakatira sa exclusive subdivision, o nanggaling sa pamilya ng mga panginoong may-lupa.
• ‘Wag magpumilit mag-Ingles kung di ka rin lang naman lumaki sa Forbes Park o nag-aral sa I.S. Mas lalong wag na wag kung mali-mali rin lang naman ang Ingles mo.
• ‘Wag mag-sleeveless kung maitim ang kili-kili. ‘Wag na ‘wag mag-sleeveless kung maitim na nga ang kili-kili, pamalo pa ng dalag ang mga braso mo. Mas na mas na ‘wag—nakikiusap kaming lahat lalo na ang mga tropa ko dito sa Project 2—lalo na’t lumalabas ka pa sa TV. Alam naming karapatan ng bawat tao sa mundong itong magsuot ng sleeveless, pero tandaang karapatan din naming laitin ka nang bonggang-bongga.
• Kung di rin lang naman kagandahan, wag magti-tweet ng “WALANG GUWAPO DITO" dahil masaklap ang tatalbog sa iyo na paghusga. Wag rin magti-tweet tungkol sa kalidad ng wine lalo na’t bisita ka lang. At kahit na may training ka sa oenology, ‘wag manglalait ng wine ng ibang tao—lalo na’t pinapasuweldo ka ng taong bayan.
• Kung ka-edad mo na si Madonna, wag nang labanan ang makinarya ng panahon at isipin na ikaw pa rin ang seksing haliparot noong 1985. Kahit cultural icon ka na. Ang pagsuway dito ay magdudulot lamang ng matinding bangungot sa mga milyong-milyong tao tulad ng sa latest mong music video.
• Kung ‘di rin naman talaga model, huwag tangkaing mag-model—maliban na lang kung ang produkto ay hollow blocks o kaya’y Pigrolac. Sinadya ng Diyos na bigyan ng angkop na tangkad at ganda ang ibang tao para sa trabahong ‘yun.

Q: Ano ang kinaiba nito sa “Kung ‘di rin lang kagandahan, wag mag-inarte?"

Wala masyado—magkamag-anak nga sila, in fact. Pero masyado namang garapal itong nasa itaas. Pero ‘yan ang masakit na katotohanan: marami talagang hindi umaasal nang ayon sa ganda.

“Things that are pure within themselves evoke pleasure, thus beauty," ika nga ni Socrates. Sa Tagalog, naaalibadbaran tayo sa di-kagandahan. Lalo na’t nag-iinarte pa.

Ang di pagsunod sa batas na ito ay nagdudulot ng mga di-kanais-nais na pakiramdam sa mundo. Basic human courtesy lang dapat, di ba? Hindi tayo umuutot at pinapaamoy sa katabi natin. Hindi natin dinuduraan ang pagkain nila. Pag humihikab tayo, tinatakpan natin ang ating bunganga. Ang pag-ebs ay isang pribadong aktibidad at hindi natin ipinagmamalaki sa ibang tao.

Q: Bakit marami pa ring mga taong hindi kagandahan na hindi likas na sumusunod sa pilosopiyang ito?

Hindi ko rin alam. Bakit ba may mga taong nagnanakaw? Bakit may mga taong pumapatay? Bakit may mga mahilig manood ng child pornography o kaya bestiality? Bakit may mga opisyal sa gobyernong nakaw pa rin nang nakaw kahit na sobra-sobra na ang mga pera nila sa Switzerland?

“Good nature will always supply the absence of beauty; but beauty cannot supply the absence of good nature,"ika nga ng Briton na si Joseph Addison. Ang mahirap ay kung pangit ka na nga, maarte ka pa at masama pa ugali mo. Yung mga ganoon ay wala na talagang pag-asang lumigaya sa mundo kahit ilang hamster o pusa pa ang alagaan nila.

Q: Ano ang karaniwang nangyayari kapag hindi umasal nang naayon sa ganda ang isang tao?

Wala naman sigurong direktang koneksyon ang stress at ang mga di-kagandahang billboards sa Edsa, pero tingin ko yung kay Joel Cruz Aficionado ay isang ehemplo ng hindi umaasal nang ayon sa ganda. Ang isa pa ay yung kay Ellen Lising ng Ellen’s Aesthetic Surgical Center (Naaalala ko bigla yung The Crow. O kaya yung Joker ni Heath Ledger sa Dark Knight). Naiintindihan ko na karapatan nila ang ilagay ang mga pagmumukha nila sa mga naglalakihang tarpaulin sa bawat sulok ng Maynila. Pero magkaiba yung pag-promote ng negosyo sa pananakot sa kapwa tao.

Q: Ibig sabihin ba nito: Ang mga pangit ay wala nang karapatan mag-inarte?

Kung magdudulot ng pagtatalo sa magkakaibigan, argumento sa magkaka-opisina, suntukan sa bar dala ng kaartehang ito--- oo, wala silang karapatan.
Pero, nasa demokrasya pa rin naman tayo. Kaya, sorry na lang ako.

Q: Totoo bang pinagpapala o mas sinesuwerte ang mga taong umaastang sapat lamang sa kanilang natural na ganda?

Higit pa sa pagpapala ang ihahain sa iyo ng langit. Kabit-kabit kasi yan. Una, hindi maiismiran ang iyong dangal. Hindi ka pagbubulungan. Hindi ka pagpipyestahan ng kritisismo at tsismis. Kung walang maipipintas, walang papasok na panlalait sa aura mo, walang magnet ng negatibo. Despues, gagaan ang buhay. Tiyak na ang pagpasok ng swerte sa buhay.

Q: Magbigay ng mga halimbawa ng mga taong umaasal lang nang angkop sa kanilang ganda.

A. Buti na lang marami pa sila. Si Lucy Torres Gomez ay isang halimbawa nito. Kung tutuusin ay may karapatan siyang umasta sa anong paraang nais niya—dahil siya naman talaga’y diyosa ng kagandahan. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon ay hindi niya kailanman inabuso ang pribelehiyong ito. Alam niya kung anong asta ang bagay sa kanya. Laging nakangiti, mabait ang pakikitungo sa tao. Hindi binabalandra sa madla ang kanyang mga mamahaling damit at pabango.

Shalani Soledad, maganda at sikat pero hindi rin nakitaan ng angas. Simple lang siya. In fact, siya pa rin ay larawan ng lumanay kahit sa gitna ng ingay at gulo ng game show. Masdan at pakinggan kung paano siya magbilang ng “…One… two… three… Goooow!"


Q: Bakit naman ito pa ang napili nating pag-usapan sa pagpasok ng bagong taon at hindi ang mga hula-hula at mga pampasuwerte sa buhay?

A: Dahil wala akong bolang kristal at wala ka ring makikitang turban sa ulo ko. Umaasal lang ako ayon sa aking ganda.




ENJOY!  :lol: Totoo naman e.  :lol:

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #1 on: January 31, 2011, 12:45:55 PM »


i think i get your point mr lourd de veyra

Offline Musikerochan

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #2 on: January 31, 2011, 01:00:07 PM »
iba talagang humirit si Lourd :-D

Offline milzer

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #3 on: January 31, 2011, 03:51:14 PM »
Idol ka talaga Lourd!

Offline mikki_blinkme

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #4 on: January 31, 2011, 04:01:30 PM »
eto mga favorite ko sa mga sinabi nya..

Basic human courtesy lang dapat, di ba? Hindi tayo umuutot at pinapaamoy sa katabi natin. Hindi natin dinuduraan ang pagkain nila. Pag humihikab tayo, tinatakpan natin ang ating bunganga. Ang pag-ebs ay isang pribadong aktibidad at hindi natin ipinagmamalaki sa ibang tao.
 :lol: :lol: :lol:

‘Wag mag-sleeveless kung maitim ang kili-kili. ‘Wag na ‘wag mag-sleeveless kung maitim na nga ang kili-kili, pamalo pa ng dalag ang mga braso mo. Mas na mas na ‘wag—nakikiusap kaming lahat lalo na ang mga tropa ko dito sa Project 2—lalo na’t lumalabas ka pa sa TV. Alam naming karapatan ng bawat tao sa mundong itong magsuot ng sleeveless, pero tandaang karapatan din naming laitin ka nang bonggang-bongga.
 :lol: :lol: :lol:
 
Kung ‘di rin naman talaga model, huwag tangkaing mag-model—maliban na lang kung ang produkto ay hollow blocks o kaya’y Pigrolac. Sinadya ng Diyos na bigyan ng angkop na tangkad at ganda ang ibang tao para sa trabahong ‘yun.


 :lol: :lol: :lol: :lol:



Offline IncX

  • Board Moderator
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #5 on: January 31, 2011, 05:32:19 PM »
lol i like this

Offline Musikerochan

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #6 on: January 31, 2011, 05:53:30 PM »
"Pero magkaiba yung pag-promote ng negosyo sa pananakot sa kapwa tao"

words of wisdom ni Lourd de Veyra.

Offline PrayToYourGodz

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #7 on: January 31, 2011, 08:22:29 PM »


i think i get your point mr lourd de veyra
"Pero magkaiba yung pag-promote ng negosyo sa pananakot sa kapwa tao"

oo nga naman hahaha
iba talaga si lourd mata sa mata ngipin sa ngipin ang mga banat na-miss ko tuloy ung "Word of the Lourd"
Gusto kong pumunta sa Quirino Grandstand araw-araw at manood ng public execution ng mga presidente, senador, representatives at iba pang mga kurap na kriminal ng bayan. - Dong Abay

Offline Boxedking

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #8 on: January 31, 2011, 08:45:27 PM »
PANALO!  :lol:
www.soundclick.com/viruprison | www.soundcloud.com/lei-guitarist

Don't let the gearhead kill the musician in you. Philmusic s/b PhilGEAR

Offline drong

  • Senior Member
  • ***
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #9 on: February 01, 2011, 03:18:38 AM »
ang lupet nito nawala antok ko :-D

Offline inzsairis

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #10 on: February 01, 2011, 03:36:35 AM »


haha... idol..!
Inter spem et metum... Inter arma carita

Offline lil.drummerboy

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #11 on: February 01, 2011, 05:09:12 AM »
haha ! nice

Offline Santo Muerte

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #12 on: February 01, 2011, 07:25:20 AM »
I like this Lourd de Veyra guy.

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #13 on: February 01, 2011, 08:44:06 AM »
ang swerte mo richard, marunong kang pumili ng mapapangasawang babae...


Offline mikki_blinkme

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Ang Tunay na Lalake, Walang Abs: By Lourd de Veyra
« Reply #14 on: February 01, 2011, 10:53:44 AM »
Ang Tunay na Lalake, Walang Abs

Ayon sa kumpare at idol kong si Norman Wilwayco at lahat ng kasapi sa mala-alamat na TNL blog , ito ang ilan sa katangian ng mga tunay na lalake: 1.) Ang tunay na lalake,  ay hindi nag-te-text back, maliban na lang kung pasahan mo ng load. Ang tunay na lalake, walang abs. 2.) Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. 3.) Ang tunay na lalake ay laging may t@e sa brief.

Mag-focus tayo sa pangalawa.

“Ang tunay na lalake ay walang abs.” Of course, pag sinabi kong “abs,” ibig sabihin ay abdominal muscles—yung mga mala-pandesal na umbok-umbok sa tiyan, gaya ng nakikita sa mga billboard ng Bench. Hindi naman puwedeng walang abs ang tao—otherwise, may malaki kang butas sa tiyan (Saan mo naman ilalagay yung mga pinagkakain mong hamburger at pansit, di ba? Pagtitinginan ka ng tao pag naglalakad ka sa mall.  Si Gabe Mercado lang ang puwedeng gumawa nun. Okey ka ba, tiyan?).  Ang tinutukoy natin dito ay yung kumikintab at nagtitigasang tumpok-tumpok ng mga masel. Sa linggwahe ng mga miyembro ng Bhaddingky Soliman Foundation—a.k.a berde ang anino, ka-Federacion, o plain and simply, bhadding—“illegal logging.”

Natatawa lang ako pag kumakain kami sa restaurant ng mga kaibigan ko at sasabihin nilang hindi sila magkakanin. Ayaw lang nilang sabihin out loud pero ang subtext ay gusto nilang magpaliit ng tiyan. “Iwas carbs” sa lingwahe ng mga nage-ehersisyo at nagda-diet. Hindi ko alam ang motibasyon ng mga mokong na ito. Huli kong pagkakaalam, ang trabaho nila ay hindi naman pagmo-model ng salawal na gawa ng Bench.

So bakit sila nagpapaliit ng tiyan? Bakit sila nag-enroll sa gym? Bakit ayaw na nilang magkanin? Hindi naman krimen ang pagkakaroon ng abs at karapatan ng bawat tao na mag-desisyon kung ano ang isasaksak nila sa lalamunan nila. Pero medyo nakakatawa na.

Hindi siyempre maipagkakaila ang epekto ng mass media sa pag-iisip ng tao—kahit sino pa man, kahit ano pa ang trabaho mo, mayaman o mahirap, lalake o babae, tomboy o b@kla, may ipin man o wala. Dahil ang subtext, ang puno’t dulo ng mga naglalakihang billboards sa Edsa at mga sandamakmak na slimming products sa telebisyon ay iisa lang: sex. Health? Puwede rin, dahil may nagsasabi na ang laki o liit ng tiyan daw ay repleksyon ng estado ng kalusugan. Pero higit sa lahat, sex. Lumilikha ito ng pananaw na pag maganda ang ab muscles, dadami ang iyong tsiks.

Siyempre, ang tunay na lalaki, mahilig rin sa sex, mahilig sa tsiks.

Ang mga ito para sa akin ang ehemplo ng mga tunay na lalake:


Ano ang pagkakapare-pareho nitong mga pangalang ito? Bukod sa binago nila ang takbo ng kasaysayan, lahat sila ay walang abs.

Masyadong busy ang tunay na lalake sa pakikipagdigma sa larangan ng buhay para mag-abdominal exercises. Ang tunay na lalake kadalasa’y walang panahon sa gym dahil okupado ang katawan at isip nila sa paglikha--- paglikha ng mga siyantipikong teorya, mga obrang makasining, mga prinsipyong pang-rebolusyon para mabago ang lipunan. Wala silang oras para sa pang-araw-araw na 100 sets ng crunches, 45 minutes ng cardio, at dalawang oras ng pagtitig sa kanilang katawan sa salamin.

Puwera na lang kung ang iyong kabuhayan package ay may kinalaman sa pagkakaroon ng maskuladong sikmura. Suwerte ka na lang pag ganoon: binabayaran ka para maging seksi (Pero di ba ganun din ang job description ng mga dalagitang nagtatrabaho sa Quezon Avenue?) Siyanga pala, yung mga construction workers at kargador sa pier, magaganda rin ang mga abs. Pero suwerte nga ba talaga sila?

Siguro. Sino ang may ayaw ng Hummer, mansion, at libo-libong nagsisigawang mga tagahanga? Ang mga artistang yun, milyon-milyon nga ang kinikita sa mga endorsements, pero ano naman ang kapalit? Araw-araw na almusal-tanghalian-hapunan ng kamote at nilagang itlog lang? Kangkong at tokwa? Meryenda na Sky Flakes at tubig?  Ang saya, no?

So nagtagumpay ba ang aking mga kaibigan sa kanilang misyon na magpaseksi at magkaroon ng abs? Ewan. Huli kong pagkakaalam, wala pa rin silang mga tsiks. Hindi pa rin sila kinukuhang maging Bench underwear endorsers o para mag-pose bilang Cosmo Hunks. Kaya, mga 'tol, mag-kanin na lang ulit kayo. Andaming nagugutom sa mundo, abs pa rin ang problema niyo.

 

*Inspirasyon halaw mula sa "Hay! Men: Ang Blog ng mga Tunay na Lalake"



« Last Edit: February 01, 2011, 10:59:32 AM by mikki_blinkme »

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #15 on: February 01, 2011, 06:45:28 PM »
ang tunay na lalaki ay may ab!

Offline PrayToYourGodz

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #16 on: February 01, 2011, 09:30:12 PM »
ang tunay na lalaki ay may ab!
tama isa lang isang malaking Pandesal lang ang meron sa tunay na lalake  :-D
Gusto kong pumunta sa Quirino Grandstand araw-araw at manood ng public execution ng mga presidente, senador, representatives at iba pang mga kurap na kriminal ng bayan. - Dong Abay

Offline mikki_blinkme

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #17 on: February 01, 2011, 10:25:26 PM »
Tunay na lalaki according to Lourd: Fernando Poe Jr., Erap, Daboy, Tony Falcon, Baldo Maro.
Diet: Lechon, Crispy Pata, Kanin, Pansit and San Miguel Pale Pilsen.
Physical Activity: Billiards, Dart, Suntukan.
Chicks: Sobrang dami
Abs: Wala

TNL Ngayun: Derek Ramsay, Piolo Pascual, Enchong
Dee.
Diet: Wheat Bread, Chicken Breast, Salad, Green Tea.
Physical Activity: Ultimate Frisbee, Triathlon, Swimming, Yoga.
Chicks: isa, wala.
Abs: Six Pack

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #18 on: February 02, 2011, 03:26:55 AM »
piolo pascual? frisbee?  :x
mag che chess na lang ako!!!

Offline killikillers

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #19 on: February 02, 2011, 09:25:42 AM »
Umasal Lamang Ayon sa Ganda

may naalala lang ako  :lol:

Offline trxter41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #20 on: February 10, 2011, 04:27:59 AM »
ang tunay na lalaki ay hindi pumupunta sa fitness first

Offline raybrig

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #21 on: February 10, 2011, 08:46:40 AM »
ang tunay na lalaki ay may ab!

plural na lang natin: FLABS
zzzzzzz

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #22 on: February 11, 2011, 10:48:53 AM »
well said Lourd, well said.
I turned myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline CeL1916

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #23 on: February 12, 2011, 03:59:12 AM »
Haha! Cheers Sa lahat ng may bear belly!

nga palal ourd de veyra and norman wilwayco eh dalawa sa paborito kong author! good job! nice blogs..
PM Transaction References: Rmansh/Miong_Magno/Pentagram_x/Julandmic09/Vanhatred/Liway77/cyrus2477/jracz_28/ichigo02/
thenameisjm/teddy_munoz/Xelly/haha/ekoy08/kalel_23/sensei_24/lucky/drahcirnna24/r_chino/ilikecarrots

Offline bloody dok

  • Senior Member
  • ***
Re: Umasal Lamang Ayon sa Ganda: By LOURD DE VEYRA
« Reply #24 on: February 12, 2011, 11:51:16 PM »
ang swerte mo richard, marunong kang pumili ng mapapangasawang babae...



saw her at congress last year. hot babe / hot mama talaga.  nagkataong malapit sa amin si ruben ecleo non nung napadaan siya... NAPAKAWALANGHIYA NG TINGIN NI RUBEN ECLEO PAGLAMPAS NI LUCY TORRES!!! (g-string suot e i know kasi me see-through vision ako   :evil:) alam nyu na! fot@# talaga yang popeye na yan!
« Last Edit: February 12, 2011, 11:52:34 PM by bloody dok »

be nice...