Had impacted cerumen before. Ang hirap. Muffled hearing on the left. Di mo matimpla nang maayos ang gitara, di ka makakanta ng matino. Musician's nightmare. Inabot ng isang buwan ang treatment. Eardrops as per prescription by the doctor. Nag-swimming kasi ako bago nag-impact, kaya naka-contribute din daw 'yun.
Advise niya, di araw-araw na paglilinis ng tainga. Akala ko din dati oks 'yun kasi "masarap" at feeling mo malinis ka lagi. Not advisable din ang cotton buds kapag kaloob-looban ang lilinisin kasi parang itinutulak lang nito ang tutuli paloob. Mas magandang gamiting panlinis sa loob 'yung parang kutsaritang maliit na nabibili sa kalsada. Kung outer ear lang naman, oks pa rin ang buds.