thanks salamat, pero wala pa akong idea kung gaano talaga kalakas ang malakas. kasi hindi pa ako nag gig (bedroom gitarist lang ako). sanay lang ako sa practice amp ko sa bahay, at kung magtest man ng malaking amp sa stores yung napakahinang volume malakas na para sa akin kya hindi ko alam kung saan ang sound aabot. kapag nanood naman ako ng live shows, concerts kalimitan malakas ang volume ng speakers kadalasan tulilig ang tenga ko lalo na kung malapit sa stage nakatayo. ano ba yun nakakonekta ang amp sa speakers, monitors? kahit hindi gaano kalakas ang volume yung mga tech na ang magaadjust? e paano kung walang monitors sa bar amp lang, bababa muna ang isa sa stage to check?