i quit skateboarding kasi parang hassle magskate sa pinas
1. walang skate parks
2. pangit ang kalsada ubos agad ang board mo
3. mahirap maghanap ng mga lugar ng may mga skaters, kung meron man mawawala na lang
4. bawal magskate
5. magastos sa sapatos
6. walang lugar para magskate ang daming hassle
kung sa abroad lang sana ako nakatira pero hindi
Meron kang spot kung matyaga ka talaga mag hanap. Yung sa kalsada naman, may mga lugar naman ding aspalto ang road. Depende yan kung san ka nakatira. Yung mga ka-skate ko sa south, dumadayo talaga sila kung san may spot. Hindi naman sa lahat ng lugar banned ang skateboarding. Pag sinisita kami, karamihan gwardya, magalang kami na nagsasabi na hindi kami maninira o mang gugulo, at ok lang madalas kesa sa pinapaalis talaga kami, yung iba nga nakilala na kami, at sinasabihan na tigil muna pag may nagreklamong residente. Hindi ko pa talaga natry mag skate sa BGC, dahil nakita ko yung mga batang nagskate dun tinutukan daw ng baril ng mga jaguar.
@marzi, oo madami nyan mga matapobre, porket skater e, susme, mga half rin siguro ng skater mayayaman rin. Magastos kasi talaga tong hobby na to. Hindi ubra isang libo mo e.
Kanina, di ako pinapasok ng LRT, dahil may dala akong skateboard. I-plastic ko raw. Nung naiplastic ko na, tinuro pa ko sa guard na naka-barong. Sabi ko "Anong problema mo? Anong mangyayari? Pinlastic ko na diba?". Napasagot na ko, kasi talagang pagod/gutom na ko at alam nyo naman yung feeling na gusto mo na talaga kumain, tapos haharangin ka pa.