Hello, pasensya na kung gumawa pa ko bagong thread, nalilito na kasi ako sabog sabog nababasa ko, haha.
wala pa po ako alam halos sa drums gitara po kasi hawak ko before, so dito ko na lang iipunin tanong ko.
First sa cymbals po, "entry" level lang po yung hanap ko no need for pro muna, kasi mukhang di ko rin sya mauutilize, pang bahay lang talaga tong drums, practice practice. gusto ko lang muna mapalitan yung stock fernando cymbals.. anyway nagustuhan ko yung tunog sabian b8 and yung meinl mcs, ano ba mas prefer nyo sa dalawa? nag hanap kasi ako ng set nyan sa megamall, wala ko nakitang meinl mcs, pero may sabian b8, 15k daw dun sa top floor ng mega ako nakakita, wala na kasi sa jb.. ganun ba talaga price nun? or mas mura dapat, or mas mahal?
Second sa drumheads, ano po ba masusuggest nyo na head para ma achieve ko kahit papano yung sound ng bands like, The Strokes and Arctic Monkeys, ganyan po kasi magiging tugtugan namin. ano marerecommend nyo, evens, remo, etc... tsaka pede ba yung batter lang muna palitan, stock muna reso?
and last san ba maganda mamili ng mga yan?
ayan po muna mga tanong ko, hehe pasensya po noob na noob (shy) haha..
and thanks po