hulika

Author Topic: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang Wika]  (Read 44020 times)

Offline tagagapo

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #25 on: August 07, 2008, 07:55:08 AM »
magandang gabi mga katuto ko, akoy nagagalak at may mga taong katulad niyo dito sa mundong ibabaw. salamat sa pagtugon.

sa mga tumulong na at humanap pa sa bili at benta, salamat talaga, pero gaya nga ng aking sinasabi sa buwan pa ng setyembre darating ang aking pera.

bale sa aking tally, mas marami ang nagsasabi na mas sigurado ang grg220dex kesa grg170dx.

pero ang sa aking pagkakaalam matrabaho daw pag ang gitara mo ay may lumulutang na tulay, tsaka wala pa naman sa mga tinutugtug ko ang ala sisid bomba.

unang opsiyon ko pa rin ang 170dx sa kadahilanang marami ako nakikita na magagandang review sa sapot (web), ang grg220 kasi ay konti lang ang aking nakikita, pero kong may magtuturo pano gamitin ang grg220 lalo na yung lumulutang na tulay baka ito ang aking mapusuhan.

magtatanong na ako ng presyo sa audiophile.

maraming salamat mga katuto. mabuhay kayo.

Mahal na kaututang dila, ang gitarang may lumulutang na tulay ay mas makabubuti sa iyong tugtugan, ang gawang tulay ay hindi mo maaring gawing lumulutang na tulay pero ang lumulutang na tulay ay pwede mong gawing hindi lumulutang ang kailangan mo lamang ay buksan ang likod ng gitara at lagyan ng bara ang mag kabilang angulo ng John Loyd Bulalak :)
Uncle Sam kiss my ass!!!

Offline siore

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #26 on: August 07, 2008, 08:19:34 AM »
magandang gabi mga katuto, ipagpaumanhin niyo at akoy hindi gaanong napapaharap sa harapan ng kompyuter. ngunit ngayon akoy nakaharap na, pasasalamatan ko kayong muli sa pagtugon.

mayroon na akong amplipayer katuto, dito ko na rin nabili mismo sa bili at benta, ito ay ang inaalagaan kong ihi bubuyog transtube 158 (peavey).

katuto salamat sa iyong suhestiyon, ngunit ang budget ko ay pang gio lang talaga, gusto kasi ng aking ate ay bago ang aking bibilhin dahil sa kanya ang pera.

siya nga pala nakapagtanong na ako sa audiophile at ang mga nabanggit kong de kuryenteng gitara ay naglalaro lamang sa halagang 10-12 libong piso. napusuhan ko na ang grg220. tama na po ba iyon?

OT: ipagdasal po natin ang mga pilipinong lalahok sa olimpiyada, salamat.
Di ko na matiis!!!  Pee-bee!!!   :lol:  :lol:  :lol:

Subukan ko rin.  Eto na...

Kung inyong mamarapatin, pasintabi na lamang po sa mga nagbigay ng suhestiyon at pansariling opinyon, ang aking mungkahi ay ang mga bawas-pablo, mula sa epiphone or di kaya'y mga kopya ng hapon.  Hindi mo ba gusto ang hitsura nito?

Datapwa't....

Kung may sampu hanggang labindalawang (10-12) piso ang abot ng iyong makakaya, at tinitingnan mo na rin lang ang gio, bakit hindi mo subukan ang mga SG?

Sa aking opinyon lamang, marami ka pang pwedeng pagpilian bukod sa mga nabanggit mo.  Subalit sa aking pagninilay, kung yaon na talaga ang iyong natipuhan, wala rin namang masama. 

Nawa'y nakatulong ang tugon ko sa iyong desisyon.  Paumanhin kung ako'y walang linaw sa ating wika.  Aminado ako sa aking kakulangan pagdating sa ating balarila.

 :-D
soundclick.com/siore
youtube.com/user/siore

Offline riffscreamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #27 on: August 07, 2008, 09:06:17 AM »

Nabanggit nya na ang kanyang tugtugan ay bakal at bato. Sa aking palagay ay bagay sa kanya ang gitarang Ibanez kung sya ay mahilig mag-gutay-gutay(shred).

Offline siore

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #28 on: August 07, 2008, 09:18:19 AM »
Napansin ko nga.  Iminungkahi ko na rin.

Mabuhay ang bato at bakal!   :lol:
soundclick.com/siore
youtube.com/user/siore

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #29 on: August 07, 2008, 06:08:58 PM »
salamat mga katuto sa pananatiling pagtugon, nasa isip ko natalaga ang ibanez grgr220, at sa madaling panahon ay masusubukan ko na ito. wag kayong mag alala babalitaan ko kayo pag itoy nasa akin ng palad. maraming salamat.

Mahal na kaututang dila, ang gitarang may lumulutang na tulay ay mas makabubuti sa iyong tugtugan, ang gawang tulay ay hindi mo maaring gawing lumulutang na tulay pero ang lumulutang na tulay ay pwede mong gawing hindi lumulutang ang kailangan mo lamang ay buksan ang likod ng gitara at lagyan ng bara ang mag kabilang angulo ng John Loyd Bulalak :)

tama ka nga katuto, mas maganda na nga yung meron ka na hindi mo ginagamit, kesa sa wala ka na gusto mong magamit, tama ba?

Di ko na matiis!!!  Pee-bee!!!   :lol:  :lol:  :lol:

Subukan ko rin.  Eto na...

Kung inyong mamarapatin, pasintabi na lamang po sa mga nagbigay ng suhestiyon at pansariling opinyon, ang aking mungkahi ay ang mga bawas-pablo, mula sa epiphone or di kaya'y mga kopya ng hapon.  Hindi mo ba gusto ang hitsura nito?

Datapwa't....

Kung may sampu hanggang labindalawang (10-12) piso ang abot ng iyong makakaya, at tinitingnan mo na rin lang ang gio, bakit hindi mo subukan ang mga SG?

Sa aking opinyon lamang, marami ka pang pwedeng pagpilian bukod sa mga nabanggit mo.  Subalit sa aking pagninilay, kung yaon na talaga ang iyong natipuhan, wala rin namang masama. 

Nawa'y nakatulong ang tugon ko sa iyong desisyon.  Paumanhin kung ako'y walang linaw sa ating wika.  Aminado ako sa aking kakulangan pagdating sa ating balarila.

 :-D

salamat sa pagtugon katuto, ang aking gitara ngayon ay kopyang SG lang, nagsasawa na siguro ako sa kanyang itsura, tama si kaibigang riffscreamer gusto rin kasi maging mahusay sa pag gugutay gutay parang ang iniidolo kong si paulo gilberto.

salamat at mabuhay kayo.

Offline charmonium

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #30 on: August 07, 2008, 06:09:47 PM »
naaayon ang pisi (thread) na ito sa nalalapit na linggo ng wika.  :-)
i live by the uncertainty principle.

Offline akosimic

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #31 on: August 07, 2008, 06:28:15 PM »
naaayon ang pisi (thread) na ito sa nalalapit na linggo ng wika.  :-)

+1000

panalo yung ihi bubuyog! :lol: but it should be gisantes bubuyog
« Last Edit: August 07, 2008, 06:29:26 PM by akosimic »

Offline Mardk

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #32 on: August 07, 2008, 07:04:16 PM »
What kind of music do you play? You might wana try out Squier strats too..

wahahahahaha. Thread broken. peace.

Offline manilacoke3

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #33 on: August 08, 2008, 12:56:21 AM »
Ang aking kaibigan ay nakapuntos ng isang mentos(mint) na RG470(Modelo noong Isanlibo syam na raan syam na put syam) noong mga nakalipas na buwan sa Bili at Tinda: Gitara sa halagang nasa sampung kilong piso lamang(10K only!). Ikaw ay mag-abang na lamang ng tamang panahon at baka dumating ang iyong swerte.
1993 Fender American Standard Stratocaster
1996 Squier Pro Tone Series Fat Strat MIK
2011 Epiphone '59 ES-335 Limited Ed. CS

Offline mawts_gwaps

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #34 on: August 08, 2008, 02:50:53 AM »
gusto ko rin sana tumingin sa bili at benta kaya lang ayaw ng aking iniirog, mas magnda rin daw kasi kong ako una makakagamit, parang siya, ako unang nakagamit.

win! :-P
"OUIDO", hindi "WIDOW"

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #35 on: August 08, 2008, 10:37:28 PM »
What kind of music do you play? You might wana try out Squier strats too..

wahahahahaha. Thread broken. peace.

gusto ko kasi ng aking palad na makahawak ng ibanez mahal kong katuto.

Ang aking kaibigan ay nakapuntos ng isang mentos(mint) na RG470(Modelo noong Isanlibo syam na raan syam na put syam) noong mga nakalipas na buwan sa Bili at Tinda: Gitara sa halagang nasa sampung kilong piso lamang(10K only!). Ikaw ay mag-abang na lamang ng tamang panahon at baka dumating ang iyong swerte.

napakaswerte ng iyong kaibigan, kaibigan. sana nga makatagpo rin ako ng mga ganoong presyo hanggang sa setyembre.

win! :-P

panalo talaga pag ikaw ang unang nakagamit,        ng gitara kaibigan.

Offline ierofan

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #36 on: August 09, 2008, 10:33:47 AM »
subukan mong pumunta sa website ng audiophile at sa reviews ng ultimate guitar. tapos pag nakakita ka ng gitara sa audiophile, tignan mo sa ultimate guitar para sa reviews. wala kasing mga litrato ng gitara dun sa website ng audiophile. Gitara at presyo lang ang nandun. (wheww di ko kaya maging makata.)
████████████████████████████████████████████████████████████████████████

[This signature has been blocked in accordance to RA No. 10175]

Offline paengkee

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #37 on: August 10, 2008, 12:28:24 PM »
What kind of music do you play? You might wana try out Squier strats too..

wahahahahaha. Thread broken. peace.

CCCCCCOMBO BREAKER!

piliin mo na ang grg220dx.

Offline obelix

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #38 on: August 10, 2008, 02:56:39 PM »
I wouldn't rely a purchase of a 12000 guitar on mere reviews... If you ever have the chance, I'd suggest that you pay a visit to the nearest audiophile and try out the guitars that you are looking for.

Offline siore

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #39 on: August 10, 2008, 03:01:59 PM »
Tama ang punto ni obelix.  Ang pagbabasa ay nakakatulong, ngunit ang tunay na kaliwanagan ay nasa pagsusuri ng instumento sa sariling kamay at tainga.   :-D
soundclick.com/siore
youtube.com/user/siore

Offline Endshiftresign!

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #40 on: August 12, 2008, 02:17:09 PM »
Mga kaibigan at kapatid sa pananampalataya ng bato't gulong, ako po ay naghahanap ng de-mentos (mint condition) na Selyadong Juan (Zildjian) na mga pompyang (cymbal).  At kung may kasama pang Loyalista Ni Marcos (Pro-Mark) na patpat ng tambol, mas magugustuhan ko.

Hay.  Sana may perang pang-petrolyo (GAS money) pa ako.  Ngunit subalit datapwa't kailangan maging masinop at disiplinado para maabot ko ang antas ng talento ng mga idolo ko, tulad nina Kuting Buwan (Keith Moon) at Juan Butohamon (John Bonham), sumalangit nawa.

Ay.  Maling tangkay ng porum. (ikinalulungkot ko na di ko kayang tagalugin ang "forum".)
Drummer -- The Myopics (on indefinite hiatus) / Sole proprietor, er...procrastinator -- Mad Tito Management

Offline Endshiftresign!

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #41 on: August 12, 2008, 08:35:02 PM »
Itaas. 

Sensya na, hindi umakyat ang sinulid kanina dahil may soy sauce ang PM kapag sobrang madami ang nakatroso sa lugar-de-agiw.
Drummer -- The Myopics (on indefinite hiatus) / Sole proprietor, er...procrastinator -- Mad Tito Management

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #42 on: August 13, 2008, 03:04:32 AM »
sa pagdausdos ng iyong mga daliri sa bago mong de kuryenteng gitara,sana ay magalak ka na tumugtog at ipahayag ang musika ng gitara

Offline thr3ten

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #43 on: August 13, 2008, 07:21:04 AM »
pucha!!  parang nakakalabnaw ng utak ang thread na to a!  hahaha!!!  lalim ng mga tagalog nyo Oy!   :-D
Pulling Teeth!

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #44 on: August 13, 2008, 01:56:05 PM »
2 linggo na lang mga kaibigan.

Offline lime48

  • Regular Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #45 on: August 13, 2008, 06:59:50 PM »
napakainam na talastasan, naway lahat ng thread ay maging tulad nito  :-D

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #46 on: August 13, 2008, 07:02:45 PM »
sa pagpindot mo sa bawat nota ng dekuryenteng  gitara,.itodo mo ang iyong pihitan ng volume at isagad ang distorsyon at buong pusong mag gadgad (shred) ng punong puno ng emosyon at puso. mabuhay ka kapatid!

Offline Endshiftresign!

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #47 on: August 16, 2008, 05:45:07 PM »
Itataas ko na naman etong sinulid ngayon na't nasasasapit ang Linggo ng Wika.

Ikinauurat (frustration) ko mula nuong nasa mababang paaralan pa ako na matutong mag-dekuryenteng gitara katulad ng mga idolo ko noon na sina Ricardo Kontingboracay ng Buto ni Jovito at yung gitarista ng Lason na hindi ko maisalin sa Filipino ang palayaw.  Basta Ang Resibo yung kanyang apelyido. 

Ngunit dahil idolo ko din ang mga Salagubahng (the Beatles) mula nuong kasing-liit ko pa si Weng Weng, ako ay naging tambulero katulad ni Gringgo Tala.  At nakikisawsaw lang ako sa sinulid na ito na ginawa para sa mga gitaristang naghahanap ng dekuryenteng gitara.

Ang masasabi ko lang ay kung gusto mo ng magandang epekto para sa dekuryenteng gitara, baka gusto mong subukan ang Pasaway Na Unggoy (Bad Monkey) ng Teknolohiyang Dagul (Digitech).  O yung mga gawa ng Amo (Boss), o Dagitab ni Danilo (Danelectro).
Drummer -- The Myopics (on indefinite hiatus) / Sole proprietor, er...procrastinator -- Mad Tito Management

Offline voidmain

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #48 on: August 19, 2008, 08:54:58 PM »
Ako'y labis na nasiyahan sa hiblang ito. Ginoong frkuri, kami'y sabihan mo lang at babaybayin namin ang mga sari-sari (classifieds) para sa iyong gitara. Kung aking maitatanong ay ano nga ba ang nais mo na ayus ng iyong mga pangkuhang-tunog (pickups)? Pananggal-ingay (humbucker) - Nag-iisang ikot (single-coil) - pananggal-ingay (humbucker)? O simpleng Pananggal-ingay (humbucker) - Pananggal-ingay (humbucker) lamang?

Hehe, PNP (HSH) o PP (HH)  :-P
I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me.
Galatians 2:20

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #49 on: August 20, 2008, 08:37:01 AM »
magandang umaga sa inyo, katutong voidmain ang hanap ko ay kahit dalawang humbucker lang, yung mainit init na tono sa leeg na humbucker at yung mabangis na tunog sa tulay na humbucker, naway makuha ko itong tunog na ito sa gusto kong bilhin na de kuryenteng gitara at 2 linggo na lamang mabibili ko na siya. mag ingat kayo. hangang sa muli.