Harley Benton TE52 yung tele sir. I have it. It’s a decent guitar. Mura and ready for upgrades if you want. Di ko na inupgrade nga lang yung sakin okay naman na. I had the old one yung american swamp ash pa yung kahoy. Tapos yung bago ngayon american ash nalang. Wala naman ako napansin na difference masyado, maganda lang itsura nung swamp ash. Ayos ang tuners and bridge at neck na din. Siguro pickups nalang kung magupgrade. Although naka roswell alnico v na yun alam ko. Yung TE 90 din maayos. Worth it naman sir. I think for it’s price range sa lahat ng tele copy ito ang pinakamaayos sakin compared sa iba pang higher level na copy, like squiers, vintage modified, cv, and iba pa. That’s for me. Yung LP di ko pa natry though. They were saying parehas daw sa Jay Turser. Pero ang Harley Benton is from thomann company pero made in china, jay turser ewan ko. Siguro parehas ng lugar na nagmanufacture. Pero maayos ang thomann sir. Never experienced anything bad. Dun kami nagorder ng lahat halos ng kelangan namin. Maayos ang delivery etc. As suggested try mo nga mag mock purchase, yun yung babayaran mo sa labas ng pinas. Ang alamin mo nalang din magkano babayaran jan sa customs sa pinas. Customs fee and Tax.