Makikisali ulit ako ha, medyo naguluhan lang ako sa sinabi ng JB.. Pareng Vino, sa Electronics ang Power (P) ay inversely proportional sa Impedance (Z), LOW IMPEDANCE-HIGH POWER, HIGH IMPEDANCE-LOW POWER. Halimbawa, ang rating ng amp mo is 200 watts stereo at 4 ohms, ibig sabihin pag mataas ang impedance ng Speaker mo, mababa ang power handling nya. Pansinin nyo mga rating ng mga speakers, pag subwoofer, kadalasan 4 ohms, bakit? para more power ang MA-HANDLE NYA, ganun din ang mga tweeter, usually 16 ohms naman, para less power.. Ngayon kung 200 watts stereo at 4 ohms ang mixer amp mo, dapat at least 100 watts at 8 ohms ang speaker mo.. wag ka ng lalagpas dun (refer to JBL report). Kung wharfedale ang gagamitin mo with that specs, ABSOLUTELY di sya match. Kung ang application mo lang ay band rehearsal, I suggest yung samick mo ay concentrated sa vocals kung meron kang mga instrument amps, para sa kin, hindi praktikal na i-mic mo pa mga instruments (puera siguro ang akustik, hehe) sa akin lang yun ha.. tAMA BA AKO tARKUZ?