ganon din ung case ko. galing ako sa tama ic.. tapos ngayon naka yamaha flying dragon na ako..
ok ung tama. solid.. parang hindi masisira... kaya lang, yung tuhod ko ang nasisira.. he hee.. medyo sobrang heavy yung feel nya para sa akin.. naghahanap ako ng smooth footboard.
ibang iba ang feel ng yamaha flying dragon na direct drive... sarap ng foot board tapos natutupi pa.. in my casual use, hindi ko naexperience ung nahihiwalay ung base dun sa beater assembly as stated nung iba... though syempre, hindi naman ako "heavy" player ng kicks eh...
nakita ko sa isang diagram, ang response ng direct drive is exponential as opposed dun sa mga chain na linear ang response. Exponential in the sense na konting tapak mo lang dun sa board, mas bumibilis ung beater habang lumalapit sa head. Yung mga chain, linear ang response in the sense na kung gaano mo kabilis tinapakan ang board, ganon din kabilis ung paggalaw nung beater papunta sa head..
at present, gustong gusto ko ung feel nitong flying dragon direct drive.. Though gusto ko ulit subukan naman yung chain & strap nitong yamaha flying dragon para lang macompare ko talaga ung difference kapag ang variable lang eh yung connection ng board dun sa beater. (chain vs strap vs direct drive). Kasi ang nagamit kong chain eh ung tama ic pati ung dw 5k and gusto ko ung board ng flying dragon.. he hehe..