What I usually do aside from listening to the actual piece is to write them down on a piece of paper. Bale yung form o structure lang ng tugtog ang kelangan kong malaman, since hindi ako marunong bumasa ng chart, sariling symbols ang gamit ko.
Ex.
Intro = 4 bars (*)
1st stanza = 2 bars (*)
2nd stanza = 2 bars (*)
-break- (*)
Chorus = 2 bars (*)
3rd & 4th stanza (same with 1st & 2nd except....*)
-repeat chorus- (*)
Outro = 2 bars (*)
* Bale dun nakasulat sa asterisk yung mga parts na kailangan kong tandaaan na grooves, fills, o mga bagsakan.
Minsan sinusulat ko yung buong lyrics ng kanta para alam ko kung saan ako maglalagay ng landmark; yun nga lang, pag nagkamali yung vox, mali na din ako.
Basta kabisado ko na yung flow ng tugtugan at nakuha ko na yung sa tingin ko ay pinaka effective na groove sa drums, ire-record ko naman yung jam namin sa cassette para mapakinggan ng paulit-ulit.
Mahalaga na i-record ko yung tugtugan para mapakinggan ko yung 'buong tugtog' kung maganda. Minsan kasi ang ganda ng palo, pero hindi naman bumabagay sa takbo ng music.
Yun lang, sana nakatulong.
Dagdag ko lang, Hindi nyo po kailangan sundan yung example sa itaas, example lang po yun kung paano ko i-prepare yung paglalagay ng drum parts sa isang kanta - hindi sya sample ng kantang ginagawa ko/namin dahil wala po akong banda ngayon - Kahit puro chorus ang kantang gawin nyo, wala pong magrereklamo.....sundan ko nlang yung bass line kung hindi ako sigurado.