Resolved na nga.
Bale eto ang nangyari, summary:
Nagbayad ako ng 4k noong July 17, 2008. Late August wala nang replies or whatsoever. October 10, 2008, bday namin ni Christer (lol). October 24, 2008 nagpost uli si Christer na gagawin ang pedal at ipapadala sa first week of November. November, wala na namang communication. December 11, binalik ang pera ko.
Bale, nagpautang ako ng 4k for almost 5 months ng walang interest. At lugi pa ako dahil may 1% cash-out fee ang G-cash. Bale, P3960 lang makukuha ko.
Wala ngang pedal but I get to avail the following:
- CHRISTER BLOCKED ME ON HIS MULTIPLY ACCOUNT. Eto yung pinaka-amazing freebie ng 4k ko. Sa di ko maintindihang kadahilanan, he had the opportunity to block me on his Multiply pero never did he tried sending me a message to explain his side. Isn't it amazing?
- Become a star in an online drama at Guitar Central. Wow. Halos 20 pages rin ang nagawa ng ilan kong post ha.
- Pagkayamot, inis, badtrip at iba pa.
Nakakatuwa lang si Christer dahil nung nasend niya na yung G-Cash, nagpost agad siya na i-lock na raw yung thread. How nays. Pero wala na akong gaanong paki-alam dun. Siguro naman sa loob ng ilang buwan, nakilala natin kung sino talaga ang mapapagkatiwalaan at sino ang pwedeng gumago sayo kapag naging emo.
Salamat po sa lahat ng mga may concern, nagka-concern at iba pa. Malaking tulong po kayo. GROUP HUG! Salamat sa mga nag-PM at nagpost ng mga messages of concern. Salamat na rin lalo kay Macky Digitalcyco dahil sa mwah ko siya. HUG U!
Sa ngayon, ayaw ko munang pagawa uli ng DIY pedal. @_@ Nanamnamin ko muna yung 4k ko. Pero who knows...
Sa lahat ng mga may online businesses rin dito sa PhilMusic, mabuhay kayo. Sana di kayo magkaroon ng similar issue na tulad nito. Ipagpatuloy lang natin ang honest public service sa mga kapwa musikero.
Hayup. Para na akong politiko. Salamat.