thanks sa comments mga bro...
actually marami akong natutunan dito sa pag experiment ng recording...
Yung mix ng drums sa kanta, isa na un... Actually nung pinapaluan ko to, halos wala na ko marinig na drum track. Nung pinakinggan ko na, nagulat ako, parang nasa "loob" nung kanta ung drums talaga. Ang advantage nung mga samples sa Medeli Module eh, parang naka rough mix na siya, may konting reverb, at medyo timplado na. Nasa tenga na nung pipili nung voices kung ano ang magandang ihalo sa gusto mong paluan na song. Ung napili kong kanta kasi medyo pop ung dating kaya madaling hanapan ng magagandang voices sa module.
Pangalawa siguro ung proper selection ng mga tunog para sa genre ng kanta. Magastos magpalit ng gamit kaya isang advantage ng e-drums, pag ibang kanta ang kelangan mong paluan, madali na magpalit ng "virtual kit." Dahil sa process na yun, magiging familiar ka sa mga tunog ng gears na bagay sa genre ng kanta.
Lastly, drums being a slave of other instruments. The proper way to record a song eh drums usually (or always?!
) ang unang rinerecord. Sa case ko, ako ang last na maglalapat. This process made me more aware of the other instruments you play with. Hindi ung drums lang buong kanta ang minomonitor mo. I think malaking bagay to para ma disiplina ang drummer na tumugtog as a band.
Post pa ako ng mga samples ko pag natapos ung iba. Wala na ko mahanap na mga kantang madadali eh, hehehehe...
One more thing, pag papalo ka tapos may acoustic guitar, ang parang cue ng drummers eh yung strumming pattern nung pinaka rhythm guitar. Pag nasabayan mo yun, mismo for sure ang dikit!