hi group,
tanong ko sana paano mag record ng malinis na tunog para sa acoustic guitar? lalo na kung 'finger plucking'?
ang gusto ko sana mawala o mabawasan pa yung 'hiss' o 'noise/noisefloor' tama ba ang tawag dun.
kaso , behringer c1 at 2i2 lang ang gamit. kaya sana hindi maging limitado sa gamit ang inaasam. wala din pala pickup mga gitara. pero pag sa vocals, maayos naman at parang malinis yung 'noise floor' niya kahit icompress o i-exaggerate ang highs kaya nagtataka ako sa gitara.
sa nylon, medyo ok so-so, pero sa steel parang malakas ang hiss? dahil sa vibrations kaya ng 'steel' string?
sa unplugged laptop nakakabit lahat
naka tapat mic sa 12th fret - halos 6 inches layo
sa van din nagsubok mag setup. sinbukang takpan mga bintana 'unprofessionally' (hindi umaandar sasakyan)
2 subok din sa interface, yung gain knob halos patay (8oclock at isa, sa suggested 1-2oclock.)
may setup din akong ginawa sa cabinet nakalagay mic sa gitna ng mga naka hanger na damit, kaso hindi ko pa nagawan tapatan ng gitara.
sa acoustics kaya o sa gamit din o parehas? siguro concern ko ay kung 'na squeeze out to the best of its capabilities' ang resources ko? salamat sa mga maipapayo! salamat group!