thanks mga bros!!hindi tloy ako makapagdecide sa dami ng pagpipilian!.hindi din ako mkpgresort bumili ng nice amp kasi hindi ko madadala sa gig!!anyway,keep them coming bros!!baka may mga iba pang pedal na dadagdag sa sakit ng ulo ko!hahaha.,.btw demonizer reviews nman dyan!!wla lang,sarap mangarap!!
i own one. it's been my main pedal since. di na to aalis sa board ko. i use my demonizer as a preamp sa gigs, meaning sa fx return ako kumakabit. kung titignan mo yung likod ng demonizer, may 2 outputs siya, one is the regular output, and the other is the DI box output with a 4x12 speaker sim. dito ko sa DI out kumakabit. mas maganda tunog in my ears.
hindi ko siya ginagamit as a distortion pedal in a sense na sa regular input ako kumabit. kasi masyadong compressed yung tunog niya para sakin. andun yung bigat, chug, lahat factor, kaso masyadong lumiliit at compressed yung tunog. ayaw na ayaw ko pa naman yun.
sabi sa manual, yung regular output, pwede ko rin siyang ikabit sa fx return ng amp, kaso here's the deal. pag kumabit ako sa fx return SS amps, fuzzy ang tunog niya. don't know why. pero nung kumabit ako sa fx return ng tube amp, holy [gooey brown stuff]!!! biggest, ballsiest sound ever. panis yung ultra channel ng amp ko. at lalo pang gumaganda habang nilalakasan!
ganito na ko kumabit sa bahay parati.
anyways ngayon, balik tayo sa normal na pagkabit ko. pag gigs, DI out-fx return ng amp (SS). nawawala yung fuzziness kasi nga naka-speaker sim from the DI out. ngayon yung 4x12 sim, kahit sa 10' speaker ako kumabit ang napapalaki niya yung tunog. nasubukan ko na ring kumabit sa PA sa isang gig. as expected, ang ganda ng performance kasi FRFR (full-range-frequency-response) yung PA di ba? kaya litaw na litaw yung tapang nung speaker sim. kaso ang problema, wala akong monitor nun!
ang hirap! saka kakaiba pa rin yung feel na alam mong sa likod mo nanggagaling yung tunog, at hindi sa PA na asa kisame nakakakabit. one note pala pag naka-DI out, yung off pedal acts as a mute button. something to do with impedance issues kaya nagiging ganun ang silbi niya. ngayon, technically iisa na lang ang timpla mo, since hindi na pwedeng clean (off) - at (on) disto mode di ba? more on that later.
review ko naman yung controls niya. standard level, disto knob. compressor knob - adds compression therefore may added gain at noise rin. sa mga extreme metal players, pag tinodo yung drive knob medyo mabibitin kayo sa gain. this pedal sounds like an amps disto, hindi dist pedal with an insane amount of gain like a MT2 kaya ganun talaga ang magiging tunog ng gain niya. kelangang i-on yung compressor if you want additional gain. pero personally, sabi ko rin above na ayaw ko nung tunog maliit at compressed kaya hinay-hinay lang talaga ko sa paggamit. pag necesary lang talaga.
PRE EQ knobs: outer - freq, inner boost/cut. ang weird ng explanation sa manual kung mababasa niyo. pero think of it as this, para siyang OD pedal (set as booster) na sinaksak sa loob ng demonizer. kaso ang controls lang na magagalaw mo yung tone knob ng OD pedal. kaso ginawang parametric para mas versatile. imagine a SD1-MT2 combo, tumataba yung MT2 o numinipis depende sa timpla ng SD1 before the MT2, ganun yun.
POST EQ knobs: outer- scoop, inner -treble. etong scoop ang puso ng tunog ng demonizer. pinaka-main tone shaping control niya. full CCW marshally sound, full CW scooped metal sound just to give you an idea. treble knob - ginagamit ko lang to for fletcher munson effect stuff. usually naka 12:00-12:30 na lang to pag gig levels. pero pag bedroom levels naka 3-4:00.
nuclear on - gives 20dB boost. eto ang bad trip sa demonizer. sana na lang ginawa nilang variable boost from 0db to 20db. leche. kasi pag ginamit mo tong demonizer as a clean preamp, hindi mo na pwede magamit yung nuclear on dahil sobrang laki ng 20 dB boost. pag initially set to crunchy-disto lang useable ang nuclear on.
mabalik, wala na akong clean sound techincally di ba? ngayon dito nag-sshine ang demonizer. super responsive siya. konting galaw ng guitar vol knob, may noticeable change kaagad sa gain ng pedal. so i can have 3 sounds kaagad: nuclear on - disto, nuclear off - crunch, nuclear off + roll vol knob - clean. dami pang in between sounds dun. yung clean pag light picking tapos habang nilalakasan ang picking nagkaka-drive kayang kaya rin nitong pedal. ganun ka-responsive.
kung may reklamo lang ako dito, bukod sa nonvariable nuclear boost, ay yung non-conventional tone controls niya. ang hirap minsan maghanap ng tunog kasi weird talaga, walang bass-mid-treble. pag may hinahanap yung tenga ko na kulang kunyari sa lower mids, ano pipihitin ko, gets? kaya may EQ ako parati after the demonizer para at least pag ang hirap na talaga control-in sa demonizer, bawiin na lang sa EQ.
tried and tested ko na to sa iba-ibang situation. from my band na pinoy rock, tapos nung naki-session ako sa thrash/death metal band, hanggang sa senti-pop. pumasa lahat with flying colors.
ayun, eto ang review ko for the demonizer. sana may makuha ka kahit sobrang haba.