TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: zuperk on September 08, 2006, 06:36:36 PM

Title: Dengue *Merged*
Post by: zuperk on September 08, 2006, 06:36:36 PM
langhiya naka 50k ako sa hospital

tsk tsk ingat kayo mga tsong
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: markthevirtuoso on September 08, 2006, 06:56:53 PM
Ako nga 75K. 2 weeks sa ospital. Tas nasira pagaaral ko (mapua) kasi di ako nakakuha ng Finals ko dati at na forfeit yung Thesis ko. Kaya yun bagsak lahat at na-kickout ako (di man lang ako nabigyan ng consideration after showing all the necessary proofs and Med certificates). And yes, i was in hell critical condition. Isipin nyo nalang i had blood transfusion and it took 24 bags of blood to save my life! :(

That happened a year ago and they have all been gotten over with. Today's a new life. :)

Kayo ingat kayo mga kapatid. :D
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: pallas on September 08, 2006, 09:00:03 PM
really tragic Mark...glad you pulled thru. Ingat na lang jan sa high risk areas guys :(
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: three_sic on September 08, 2006, 09:06:55 PM
ingat lng...... may kaibgan ako nwala na dahil dyan. RIP
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: zuperk on September 09, 2006, 02:26:39 PM
Quote from: markthevirtuoso
Ako nga 75K. 2 weeks sa ospital. Tas nasira pagaaral ko (mapua) kasi di ako nakakuha ng Finals ko dati at na forfeit yung Thesis ko. Kaya yun bagsak lahat at na-kickout ako (di man lang ako nabigyan ng consideration after showing all the necessary proofs and Med certificates). And yes, i was in hell critical condition. Isipin nyo nalang i had blood transfusion and it took 24 bags of blood to save my life! :(

That happened a year ago and they have all been gotten over with. Today's a new life. :)

Kayo ingat kayo mga kapatid. :D


huwaaat 24 bags??? :shock:

binabati kita tol,

ako platelets lang bumaba sa 20, concentrate lang yung sinalin sakin

lakas gastos pagnagkasakit, sakin isang linggo lang yun eh, tsk tsk
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: markthevirtuoso on September 09, 2006, 07:12:58 PM
Quote from: zuperk
Quote from: markthevirtuoso
Ako nga 75K. 2 weeks sa ospital. Tas nasira pagaaral ko (mapua) kasi di ako nakakuha ng Finals ko dati at na forfeit yung Thesis ko. Kaya yun bagsak lahat at na-kickout ako (di man lang ako nabigyan ng consideration after showing all the necessary proofs and Med certificates). And yes, i was in hell critical condition. Isipin nyo nalang i had blood transfusion and it took 24 bags of blood to save my life! :(

That happened a year ago and they have all been gotten over with. Today's a new life. :)

Kayo ingat kayo mga kapatid. :D


huwaaat 24 bags??? :shock:

binabati kita tol,

ako platelets lang bumaba sa 20, concentrate lang yung sinalin sakin

lakas gastos pagnagkasakit, sakin isang linggo lang yun eh, tsk tsk


Oo nga eh. Kaya nanaba rin ako ng husto nun kahit di ako kumakain. Andaming dextrose at dugo ba naman ang sinalin eh. Simula nun, lagi na ako nag-o-off lotion at naka-pajama. :lol:

Buti nalang dito walang lamok. :) ..camels lang. :lol:

Ingat sa lamok mga tsong. They're DEADLY!!! :D
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: gnrluvr on September 10, 2006, 08:10:18 PM
saan ba ung mga high risk areas?
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: greasykid on September 11, 2006, 02:01:48 AM
Kahit saan pre pwedeng tamaan.  Basta madamo, mamasa-masa, at madumi, maraming lamok diyan.

Nung tinamaan ako ng dengue, sabay kami ng utol ko.  Paggaling namin, yung isa ko pang utol naman.  Tapos yung kapitbahay namin tinamaan din around that time.
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: maniacally_cool on September 11, 2006, 03:39:52 PM
Quote from: greasykid
Kahit saan pre pwedeng tamaan.  Basta madamo, mamasa-masa, at madumi, maraming lamok diyan.


ha!!?!?!?!? buti na lang sa malinis ako napupunta. hehehehe. :mrgreen:


Quote from: greasykid


Nung tinamaan ako ng dengue, sabay kami ng utol ko.  Paggaling namin, yung isa ko pang utol naman.  Tapos yung kapitbahay namin tinamaan din around that time.


kidding aside, san b lugar nyo bro? kakapraning kasi e. d n nga ako nagbubukas ng bintana. hehehe.
Title: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: greasykid on September 11, 2006, 10:28:36 PM
Muntinlupa pre.  Ingat ka lang pero wag masyadong praning.  

Maraming halos mamatay-matay na sa dengue pero meron din namang nilalagnat lang talaga.

Pero masarap sa lugar na madamo at mamasa-masa basta malinis.  Minsan nga pag tinanggalan ng damo tapos mamasa-masa pa rin, mas masarap pa lalo...  Hehehehe...  :wink:
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: toybitz on May 21, 2008, 01:12:00 PM
tag-ulan na naman..dengue season...
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: rockophoria on May 21, 2008, 07:26:17 PM
nagka dengue ako nung grade 5 ako.. way back it is known as "H-Fever" (correct me if im wrong)..

Puro rashes na ako nun.. and parating nagdudugo ang ilong ko.. sabi ng duktor kung di pa daw ako nadala sa hospital nun eh magsusuka na daw ako ng dugo.. 3 days lang naman ako sa hospital nun kasi naagapan..
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: rockizta123 on May 21, 2008, 07:45:27 PM
akala ko may dengue na ako....
akala ko nagdudugo ilong ko...














may sipon lang pala ako :lol:
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: Tasty on May 21, 2008, 07:48:01 PM
I had dengue January of this year. I was hospitalized for a week. The worst part was the severe headaches that I suffered. Each one lasted for about an hour each.

It was so painful. It was like someone was hitting my head repeatedly. Normal pain killers did not work. The doctors had to give me stronger drugs.

Fortunately, I did not need blood transfusion. The fluids alone did the trick. I remained frail for about a month or so after getting out of the hospital though.
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: jonasm_16 on May 22, 2008, 07:04:07 PM
yung pinsan ko nayari ng dengue na to kabatch ko pa siya nung highschool, deadbols na sya, sumalangit nawa ang kaluluwa niya,

dapat talaga ingat lang mga tropa. nakakatakot.
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: rhanen28 on May 23, 2008, 10:51:27 PM
ako rin nagkadengue aroung 2006 un new year inabot ng 80k+

yung early signs ang hindi ko masyado nakayanan
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: never_1007 on May 24, 2008, 04:51:18 AM
yep ako din.. yung chineckup me sa sioson at east ave.. dengue nga daw.. baba ng platelets ko tapos kinabukasan lipat kame sa v. luna.. sabe ng doktor .. anu lang daw u.t.i. hehe.. pamasahe lang sa taxi at other med exam.. ala pa ata 2k yun.. ingats kayo di lang sa mga lamok pati sa pagpapacheck up..
Title: Re: tsk tsk ingat kayu sa dengue
Post by: seeds of gehenna on May 30, 2008, 03:33:17 AM
Last December got admitted because of dengue.Luckily i passed the Board exams while having dengue.Ayun habang nageexam dumudugo ang ilong, gilagid at masakit ang tiyan.buti naagapan kasi me medical background ako.nursing grad ako eh..TSK!!
Title: Dengue
Post by: lil.drummerboy on July 31, 2008, 06:53:53 PM
panohan na naman ng dengue. tatlong utol ko may lagnat yung dalawa nasa hospital. ( isa may dengue) pa taas yung lagnat tapos baba. pati yung katulong nilalagnat. pina check up na din sa hospital. inoobserbahan sila kung may dengue din. ako na kaya susunod?  :-( ano ba dapat mga inumin o kainin para di basta basta tablan nito?  :?
Title: Re: Dengue
Post by: glasgow on August 07, 2008, 06:09:10 PM
good day sir... Doc glasgow po ... wala po kayo pwede inumin or kainin. The best thing that you can do is try to keep the mosquitoes away. WAG PO TAYO MAGPAKAGAT. That would be the best defense. Kahit po sa mga hospitals natin, wala po masyadong gamot na binibigay pag sa Dengue infections..usually IV fluids lang and close monitoring of the patients. Like any other VIRAL infections, Dengue can resolve on its own pero dahil sa isa sa mga complications nya ang pagbaba ng husto ng platelets ng tao..nagiging lethal ang Dengue infection.

I always say this to my patients and their relatives...stay away from places endemic/highly prevalent ang Dengue....CAMANAVA, Bulacan, etc. If you happen to live in these areas like i do, try to put up some defense...mosquito nets...mosquito repellants...katol...electronic mosquito zappers...anything that would keep these nasties bitting you. They have this habit na mangagat ng tao kapag agaw dilim na...madaling araw at hapon bago gumabi so stay indoors muna.

If you have high grade fever for more than 3 days...see your Doctor. I hope everybody is safe!! God bless!
Title: Re: Dengue
Post by: kawal on November 11, 2008, 10:41:44 AM
^doc oks lang bang mag tourniquet-test mag-isa para malaman kung possible na may dengue ka?

@ lil.drummerboy, kung may kasama ka sa bahay na may dengue, possible na yung lamok ay galing lang jan sa place nyo. get rid of them. spray ka ng insecticide at maglagay ka ng off lotion. maganda ring ma-alert yung mga kapit-bahay mo kasi baka sa kanila rin galing yung kumagat sa utol mo e. i hope gumaling agad mga kapatid mo bro. nagka-dengue nako dati e. hindi sya biro.

ingat tayong lahat sa mga lamok.
Title: Re: Dengue
Post by: kawal on November 11, 2008, 10:46:27 AM
i think ill ask the mod na i-sticky muna ang thread na ito pansamantala. since meron tayo ditong "resident doctor", si doc glasgow, maganda sigurong magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa nakamamatay na sakit na dengue.
Title: Re: Dengue
Post by: michiko.airashii on November 12, 2008, 12:28:18 AM
@ kawal
done deal. :)

i already have a friend of mine who already died of dengue, so i really make sure to stay away from mosquitoes and bring insect repelling lotion everytime i go to places where i haven't been and not familiar with.

especially sa beach pag out of town. better be aware.     
Title: Re: Dengue
Post by: Angst_Ridden on November 12, 2008, 02:29:03 AM
nice of you to sticky this miss michiko. a couple of months ago, my girlfriend's cousin died because of dengue. He was only 3 years old. I can still remember my girlfriend texting me to accompany her to saint peter's. I even thought it was a church, but when my friend replied in a joking manner that it was a funeral parlor. It was then that it hit me, the thought of someone dying, It hit me real hard even to the point of crying. He didn't even get to use the shirts and pants that we bought him, and wasn't able to watch the tom and jerry series dvd that he excitedly requested for us to buy.  :cry:

People should really be cautious about dengue. Personally I think it is a hundred times deadlier to kids. God Bless His soul..
Title: Re: Dengue
Post by: JPage on November 12, 2008, 02:56:23 AM
i had dengue(3) when i was 11... i tell you, it sucks. especially pag pumutok na veins mo w/c results to sudden bleeding
Title: Re: Dengue
Post by: glasgow on November 14, 2008, 06:53:56 PM
^doc oks lang bang mag tourniquet-test mag-isa para malaman kung possible na may dengue ka?

@ lil.drummerboy, kung may kasama ka sa bahay na may dengue, possible na yung lamok ay galing lang jan sa place nyo. get rid of them. spray ka ng insecticide at maglagay ka ng off lotion. maganda ring ma-alert yung mga kapit-bahay mo kasi baka sa kanila rin galing yung kumagat sa utol mo e. i hope gumaling agad mga kapatid mo bro. nagka-dengue nako dati e. hindi sya biro.

ingat tayong lahat sa mga lamok.






Good day po ulit at sorry kung late ang pagpost ko po. quite busy lately. Tourniquet tests are only good for the PRESUMPTIVE  diagnosis of dengue and it will not confirm or rule out the presence of the disease. Series of CBC monitoring and Serologic studies are done to really confirm the presence of Dengue infection. Gaya nga po ng sabi ko, it would be wise to have a CBC done if you still have a fever running for more than 3 days.

Have a CBC done in a more reputable center or hospital since the "fly-by-night" laboratories don't seem to have well calibrated machines to check out your platelet counts. Some of them may over/underestimate the real platelet levels of a patient. A standard practice in some bigger hospitals is to manually check the platelet levels lalo na pag medyo mababa ang initial readings from their machines. I personally would prefer my results rechecked even if I have to pay extra for it.A difference of 100-150 pesos from a cheaper but unreliable CBC result can spell the difference between life and death for you and/or your patient.

Keep on posting guys and I hope nakakatulong po tayo sa lahat. God bless us all!
Title: Re: Dengue
Post by: boltes_payb on November 14, 2008, 11:26:47 PM
ako nagkaroon nako ng dengue...nung 3rd year hs ako...ayun takot na takot akong mamatay......kaya nung nasa hospital ako inum ako ng inum ng tubig......ayun after 4 days ok na ako..hehe


pag 3 araw na kayo may lagnat patingin na kayo sa doctor...tapos ratratin nyo ng paginom ng tubig...kasi nung nag ka dengue ako...nauna pa saken na magkadengue yung pinsan ko..siguro mga 2 days siyang nasa hospital tska ako nadenggoy...ayun nauna pa ako sa kanyang lumabas ng hospital kasi hindi siya pala inom ng tubig.....mga 2 or 3 days pa siya sa hospital bago siya makalabas..


TUBIG LANG... :-D

Title: Re: Dengue
Post by: kawal on November 15, 2008, 03:24:54 AM
^tama. dehydration ang isa sa mga kalaban mo pag may dengue ka e.
Title: Re: Dengue
Post by: coolvoice on February 11, 2009, 09:17:35 AM
doc glasgow anu po ba ang mga symptoms ng taong may dengue lalo na kapag sa mga bata?
Title: Re: Dengue
Post by: kawal on February 11, 2009, 07:59:11 PM
^brad, basta kapag lagnat na more than 3 days, derecho na agad sa doctor.
ang mahirap kasi sa dengue, pabalik-balik na lagnat eh. kaya minsan relaks ka na dahil akala mo wala na yung lagnat. tapos pag bumalik, iisipin mo binat lang.
ingat tayo lahat. magkaroon nako ng dengue. hindi sya biro.
Title: Re: Dengue
Post by: bibcute on February 13, 2009, 09:56:51 PM
sabi sa amin nang prof namin, basta wag lang daw magpagutom..
Title: Re: Dengue
Post by: kawal on February 14, 2009, 01:14:58 PM
^baka wag magpapa-dehydrate.
well, wag magpapagutom at magpapadehydrate para sigurado. :-D
Title: Re: Dengue
Post by: thefyrfly on February 21, 2009, 11:10:44 PM
Mga sintomas na dapat bantayan sa isang dengue suspect: rashes, pagdugo ng ilong at gums, maitim  o may halong dugo ang dumi.

If these are present it means na mababa na ang platelet count ng isang tao dahil sa dengue virus na uma- atake sa katawan. Pwedeng mamatay ang pasyente sa severe bleeding sa katawan.

Title: Re: Dengue
Post by: lil.drummerboy on March 17, 2009, 12:50:51 PM
totoo ba yun sa umaga nangangagat ang lamok na may dengue?
Title: Re: Dengue
Post by: glasgow on April 26, 2009, 02:39:06 PM
sorry po at super late sa reply. toxic sa hospital eh. hehe. tama po tayo sa mga signs and symptoms of dengue but it can be with the other diseases. basta may fever for more than 3 days we start to think if Degue as one of the differentials for the diagnosis. dati ang lamok sa umaga lang nangangagat but lately they have found out na kahit sa hapon nangangagat na rin ang mga lamok. as a rule, they consider na pag agaw dilim ang oras...madaling araw at hapon...din nangangagat ang mga lamok kaya take care.
Title: Re: Dengue
Post by: wiccan8888 on July 13, 2009, 04:56:27 PM
no pun intended, possible ba maging immune sa dengue, kasi po araw araw ako kinakagat ng lamok pero hindi naman ako nagkaakdengue. madami ding skwatter sa lugar namen sa tabing ilog pero hindi naman ako tinatablan ng mga lamok. 
Title: Re: Dengue
Post by: raymundmanalo on July 18, 2009, 06:47:15 PM
Dito sa Singapore usong-uso ang dengue. Laki ng gastos ng government para ma-contain yung pagkalat. Laging may commercials sa TV at sa mga buses. Hindi nawawawala yun..year round. Buti sa pinas konting places lang at seasonal yata. Peste talaga mga lamok.
Title: Re: Dengue
Post by: Joas on January 10, 2010, 12:52:49 PM
mag lagay ka ng off lotion.
ako swerte hndi pa nag kaka dengue kahit isa.
Title: Re: Dengue
Post by: freedom04 on February 22, 2010, 10:33:34 PM
no pun intended, possible ba maging immune sa dengue, kasi po araw araw ako kinakagat ng lamok pero hindi naman ako nagkaakdengue. madami ding skwatter sa lugar namen sa tabing ilog pero hindi naman ako tinatablan ng mga lamok. 

Hindi po possible maging Immunse sa dengue, based on what I know. There's a study pa nga na kapag nagkadengue ka once, mas madalas ka ng magkadengue. Parang the risks goes up once you have encountered the disease. Anyway, hindi naman lahat ng lamok eh nagcacarry ng dengue. A certain species of mosquitoes do carry them, and yun ay yung Aedes aegypti. Yung iba naman like Anopheles sp. eh hindi naman nagcacarry.
Title: Re: Dengue
Post by: perfect_chemistry02 on February 27, 2010, 08:19:34 PM
mahirap magkadengue tlga....nauubusan ng platelets un di ba?
Title: Re: Dengue
Post by: kawal on February 28, 2010, 01:00:34 PM
^hindi lang yun pre. mabilis kang pinapahina ng dehydration. yun ang nakakamatay.
Title: Re: Dengue
Post by: haxo55 on March 02, 2010, 12:15:26 PM
mahirap magkadengue tlga....nauubusan ng platelets un di ba?

nung unang beses ako nagka dengue nagzero platelets na ko,
and paubos na din tubig ko sa katawan,
buti na lang naagapan pa...

tapos nito lang nagkadengue din ako ulit last month lang,
mabilis naman naagapan, hanggang 170 lang binaba ng platelets ko,
kala ko dati isang beses lang nadedengue haha
mas matindi daw pala pag nauulit pa
Title: Re: Dengue
Post by: bazgrol0413 on March 08, 2010, 12:17:18 PM
nung unang beses ako nagka dengue nagzero platelets na ko,
and paubos na din tubig ko sa katawan,
buti na lang naagapan pa...

tapos nito lang nagkadengue din ako ulit last month lang,
mabilis naman naagapan, hanggang 170 lang binaba ng platelets ko,
kala ko dati isang beses lang nadedengue haha
mas matindi daw pala pag nauulit pa
nice! atleast malakas kapa dn till now. :D
Title: Re: Dengue
Post by: in bloom on March 16, 2010, 10:59:58 PM
Dont take dengue lightly guyz.Yung pedia ng anak ko died of dengue last Dec 2008, Dr Dennis Moldes. Sobrang nabigla kmi dahil napakabait ng doktor na to sa amin,January na namin nalaman, lahat ng patient nya natakot lahat sa dengue.To think sya nga doktor......tsk tsk.
Title: Re: Dengue
Post by: ILoveConga on May 10, 2010, 12:24:49 AM
May I add din na hwag pakainin ng dark-colored foods such ang mga patients with dengue para ma-monitor maigi kung may blood sa suka or dumi niya :-) Plus, pwede ma-relieve ung pangangati sa skin (caused by hemorrhage) thru cold compresses :-)
Title: Re: Dengue
Post by: xid02 on July 20, 2010, 07:34:17 AM
according to DOH(epidemiology sec.) kanina, ibabalik nila yung express lane for dengue, for easy detection
and gagawa ng bagong standards which included na ang pagsama ng bloodtest upon recieving the patient at bloodpressure...

mag ingat ingat tayo :)

and may vaccine na sa dengue pero under parin for further research...

and btw


pwede ka makakuha ng immunity kung you got the four strains of dengue.
Title: Re: Dengue
Post by: mahikawon666 on August 15, 2010, 03:02:02 AM
good day sir... Doc glasgow po ... wala po kayo pwede inumin or kainin. The best thing that you can do is try to keep the mosquitoes away. WAG PO TAYO MAGPAKAGAT. That would be the best defense. Kahit po sa mga hospitals natin, wala po masyadong gamot na binibigay pag sa Dengue infections..usually IV fluids lang and close monitoring of the patients. Like any other VIRAL infections, Dengue can resolve on its own pero dahil sa isa sa mga complications nya ang pagbaba ng husto ng platelets ng tao..nagiging lethal ang Dengue infection.

I always say this to my patients and their relatives...stay away from places endemic/highly prevalent ang Dengue....CAMANAVA, Bulacan, etc. If you happen to live in these areas like i do, try to put up some defense...mosquito nets...mosquito repellants...katol...electronic mosquito zappers...anything that would keep these nasties bitting you. They have this habit na mangagat ng tao kapag agaw dilim na...madaling araw at hapon bago gumabi so stay indoors muna.

If you have high grade fever for more than 3 days...see your Doctor. I hope everybody is safe!! God bless!
thanks ,my lagnat anak ko ngayon doc at d ako makatulog kakaisip,39.4 lagnat nia
Title: Re: Dengue
Post by: skyjammer on August 19, 2010, 05:26:56 AM
I had dengue once (mid 90s) and parang kalauso lang ng dengue nun. I had fever for 3 days.

Eto naman symptoms ko:

1. Mapait panlasa ko kahit sa water.
2. Nahihilo
3. Bumababa fever sa morning tapos ranging from 38-40 temp ko pag gabi
4. WALA akong rashes
5. WALA akong any bleeding
6. Masakit ulo ko

The only time na-detect na I had dengue was when the nurse tourniquet'd me at the same time ni-pressure nya arms ko with a BP monitor. Naglabasan yung black spots sa arm ko. Then the doctor confirmed dengue nga sya. Ayun, tinurukan ako ng madaming gamot via my dextrose.

Unforgettable yung experience. Ang sama ng pakiramdam at ang sakit overall.

Stay safe guys. Off lotion works. Dala kayo nun lagi kahit yung sachet lang.
Title: Re: Dengue
Post by: boypalo on October 08, 2010, 04:53:23 PM
eeew dengue! hehe.
na dengue din ako last month lang. ang hirap pala.taas ng lagnat tapos di makakain at makainom kasi sobrang pait ng lasa. dami pang tusok. araw araw kuha ng dugo. skin test pa na napakahapdi. buti nalang di gaano bumaba platelet count ko. lagnat halos 1 beses lang sa buong araw mawala. sakit sa ulo at joints. nakakapanghina talaga. mali pa yung unang tusok ng dextrose ansakit. hanggang ngayon may pasa parin. yung rashes daw pag lumabas na ibig sabihin paalis na yung dengue. ingat kayo di lang hassle sa katawan lalo na sa bulsa.
Title: Re: Dengue
Post by: Davidorg on October 09, 2010, 06:23:51 PM
uu talagang ang hrap mg ka dengue.. daming foods ang bwal.. tska base on my xperience dami tlga bawal.. pero di naman ako nag tagal sa hospital. mga 1 week mgaling na ko hehe.. share ko lng. always pray to god lang..  :evil: HAHA
Title: Re: Dengue
Post by: kawal on October 10, 2010, 01:32:50 PM
eeew dengue! hehe.
na dengue din ako last month lang. ang hirap pala.taas ng lagnat tapos di makakain at makainom kasi sobrang pait ng lasa. dami pang tusok. araw araw kuha ng dugo. skin test pa na napakahapdi. buti nalang di gaano bumaba platelet count ko. lagnat halos 1 beses lang sa buong araw mawala. sakit sa ulo at joints. nakakapanghina talaga. mali pa yung unang tusok ng dextrose ansakit. hanggang ngayon may pasa parin. yung rashes daw pag lumabas na ibig sabihin paalis na yung dengue. ingat kayo di lang hassle sa katawan lalo na sa bulsa.
good to know na naka-recover ka sa dengue ser.  delikado talaga yang sakit na yan.
Title: Re: Dengue
Post by: boypalo on October 15, 2010, 01:32:17 AM
good to know na naka-recover ka sa dengue ser.  delikado talaga yang sakit na yan.

onga e. talamak na talaga. di ko nga ineexpect na tatamaan ako. akala ko mga bata lang. lahat pala. hehe
Title: Re: Dengue
Post by: DrDeathRNMD98 on December 13, 2010, 05:09:31 PM
I had dengue before when I was still in the 4th grade. Thought I was gone for good. Na-confine ako sa hospital, di ako makakain, kahit yung Jollibee na binili para sakin sinuka ko kasi mapait pa rin yung lasa, nangangayayat ako ng sobra, on the verge of dying kumbaga.

Bale ang mga ginawa ko:

1. stregthen resistance via drinking ALOT of vitamins
2. eat eat eat eat eat eat
3. don't stay in bed all the time, maglakad lakad ng konti
4. take a bath more often
Title: Re: Dengue
Post by: xelalien on January 22, 2011, 10:05:39 AM
na-dengue ako nung 1st year college, tingin ko nakuha ko sa campus namin. pauwi ko kasi nilagnat ako na parang si Human Torch, ehh inakala kong simpleng sinat lang (sumabit pa nga ako sa jeep pagkauwi).

ayun na dehydrate ako at init/lamig ng katawan ko. until sinugod na ako sa ospital. buti nakahanap din ng dugo for my transfusion.
Title: Re: Dengue
Post by: kym005 on January 30, 2011, 11:57:51 AM
hala nakakatakot talaga ang dengue... yung isa sa bestfriend ko nun na dengue din pero nakarecover naman siya...
sali ko sa thread na to para makakuha nang mga kaalaman kung sakaling magkaron ako or para maiwasan magkaroon nito..
Title: Re: Dengue
Post by: dharzfreeman on January 30, 2012, 10:38:19 PM
Good thread  :-)

I have to share my experience here.
2008 ng ma dengue ako. Wala itong pinipiling edad, o kalusugan, mataba o payat, healthy o hinde.

Eto sintomas... na naranasan ko
1. Masakit ang ulo/Nahihilo
2. Walang ganang kumain
3. Pabalik balik na lagnat

Ayokong umaabsent sa trabaho ko noon, pero nung unang araw masama pakiramdam ko
dinala ko lang sa vitamins, pagkain kahit napipilitan lang. at maayos na tulog
ayun akala ko ok na kinaumagahan, kaya tuloy tuloy lang ako ng pasok sa opicina, tapos kinabukasan balik ulit ang lagnat
eh di kain ako ng marami at take ng medicine tulad ng biogesic, alaxan, etc at ok na ulit
pasok parin ako tuloy tuloy, pero nung isang araw nahilo na talaga ako dahil dito ay nag-paalam na ako ng halfday
at tumawag ng taxi papuntang pasig sa tiyahin kong magaling mag hilot, wala na akong malay na nakatulog at ginising na lang ako ng nasa simbahan na ako sa pasig, at ng ako ay hinilot na napag tanto ng tiyahin ko na hindi na madadala sa hilot lang ang nararamdaman ko kaya advice sa akin mag pahospital at ganun nga ginawa ko..

Sa pag stay ko sa HOSPITAL dalawang araw pa lumipas bago pa nila na trace na DENGUE pala ang kaso ko. Grabe nakakainis man pero late na sila mag detect..

Kaya ganito mag tali kayo ng mahigpit na RUBBER sa braso ninyo and for about 3 to 5 minutes pag may mga pantal
ay confirmado sa dengue.

If mag stage 3 na ay ang palatandaan ay dudugo ang ilong mo, at malapit ng maubos white platelets sa dugo mo.
Im glad hindi na bumaba duon ang dugo ko at nakarecover ako 6 days mula ng ma hospital ako sa sakit na yan
at im very glad na hindi ako nasalinan, dahil base sa karanasan iba ang pakiramdam ng nasalinan ng ibang dugo kahit pa same blood type isalin sayo.

So this is the sad part, the good part is wala akong binayaran kahit piso dahil may PHILHEALTH ako  :-D
Title: Re: Dengue
Post by: Rak on March 04, 2012, 08:48:36 PM
Panatilihing malinis palagi ang paligid para makaiwas..

Kung meron ng Dengue, palakasin ang resistensya dahil walang ibang panlaban sa viral infection kung hindi sarili nating katawan... :)
Title: Re: Dengue
Post by: norm17 on June 06, 2012, 04:26:49 PM
panohan na naman ng dengue. tatlong utol ko may lagnat yung dalawa nasa hospital. ( isa may dengue) pa taas yung lagnat tapos baba. pati yung katulong nilalagnat. pina check up na din sa hospital. inoobserbahan sila kung may dengue din. ako na kaya susunod?  :-( ano ba dapat mga inumin o kainin para di basta basta tablan nito?  :?

make sure na your surroundings are clean and use mosquito repellent...
Title: Re: Dengue
Post by: mozart123 on July 22, 2012, 05:28:31 PM
nung 80's never heard yang dengue siguro sa paglobo ng mga illegal settlers sa metro manila kaya dumami dengue dahil di naman malinis kapaligiran nila.
Title: Re: Dengue
Post by: yekoz on September 03, 2012, 11:27:50 AM
ingats ulit:

    first sign of high fever : CBC agad, specially sa mga kids. dont wait for another  day... 8-)

prevention pa rin ang pinaka safe:  8-)
Title: Re: Dengue
Post by: lostfound2 on January 19, 2013, 12:15:45 AM
Linis Lang ng kapaligiran and tag Ulan din ngayun kelngan mag ingat tlga kase mahirap magkaskit and mahal. Yung Nakita kong kid NASA icu bec. Of dengue dialysis rin sya. Tsk kawawa kaya ingat ingat mga sir wag mag ttambay sa mall amok.
Title: Re: Dengue
Post by: mbsunga on March 13, 2013, 09:39:18 AM
If you or your children have high grade fever 39 to 40C for more than 24 hours and very sick looking
Better consult your doctor and have a cbc with platelet done
If possible do a dengue NS1 test

Make sure that the fever is longer than 24hrs before you consult or reauest for blood tests.
Doctors usually do blood test if the fever is more than 24hrs (preferably 48 to 72 hrs)
Doing blood test earlier than 24hrs can still be normal and can give false negative results

Dengue is already endemic in the philippines

What you can do at home if the fever is still less than 24 hrs
Drink lots of fluids preferrably oral rehydrating salt like pedialyte glucolyte etc
Ors is equivalent to iv fluids which is the mainstay of treatment for dengue
Title: Re: Dengue *Merged*
Post by: tipipeski on November 17, 2013, 07:55:12 PM
may nabasa ako as facebook para sa pantrap ng lamok using household materials,

cornstarch, 1.5 PET Bottle, water, scissors. I hope makita ko pa ung link na un. da best sya. safe and hindi magastos compare sa pagbili ng baygon