Nice snares sirs!
Sir musicianurse! Pareview naman po jan nung acrylic snare, matagal nakong curious sa sound ng mga acrylic shells eh.
Sir omnicloud7, di ko pa po siya mareview ng maayos kasi kakukuha ko lang kahapon. Hindi ko pa rin po natotono at napapalitan ng Evans batter and reso heads. Update ko na lang po kayo sir.
So far eto pa lang po yung review ko sa kanya;
-Maganda siya sa mata sir as in panalong panalo sa paningin ko
-10 lugs siya na hindi common sa lahat ng snare drums na madalas ay may 8 lugs lang
-Ang linis ng pagkakagawa ng bearing edge, deretso, makapal at hindi manipis. Panalo nanaman sir!
-Yung stock snare strands po na kasama maganda na rin, lapat na lapat kasi sa reso head
-Malakas ang volume nya kumpara sa mga wood and steel shells kaya naman maganda siguro to sa open field gigs
-Problema lang eh MABIGAT..hehe
-Sabi rin po sa mga online reviews, maganda daw to sa funk, rock, at fusion jazz.
Dito sir baka po makatulong
Custom Acrylic Drums Threadhttp://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,34053.0.html