lol parang lumipat yung issues ng smart nung nag-merge na sila ng sun.
mga year 2006-2007 yata, madalas akong maka-receive ng text messages na hindi naman para sa akin. tapos pag tumawag ako, sa ibang tao nakokonek yung call ko. and take note, wala sa phonebook ko yung natatawagan ko kaya sobrang random yung nakakausap ko.sa tuwa ko noon at dahil naalala ko nga yung crosslining sa landlines, madalas ako mag load ng 300 bucks at pag walang magawa nagtatawag ako ng random number sa phonebook ko pera makonek sa ibang numero.
isang beses, nag ring ang phone ko. nag appear sya sa call id na si GF so sinagot ko. yung nasa kabilang line, sumagot din. same kami ng sinabi, "oh bakit?!". wow, lalakeng malaki boses kausap ko. sabi ko "sino ka?" at sabi nya "ikaw sino ka?" tapos nagtatalo kami sabi nya ako daw tumawag sa kanya eh sa kin eh nag ring yung phone ko dahil tumawag sya. tinanong ko number nya. magkaiba lang ng prefix pero pareho yung 7 digits namin lol. so sabi ko ibaba ko yun call at confirm ko kay gf kung tumawag nga sya dahil sya yung nag register sa id. hindi naman daw tumawag si gf. tinext ko yun lalaki at dun namin naisip na network glitch nga.pareho kami tumawag sa smart cs at nireport yun problem.after nun wala na.