Hi mga gymaholics jan, sama na ako sa listahan,hehe! nag start na 'ko kahapon kaya medyo masakit ang kalamnan ko ngayon..pero parang ang sarap sundutan ulit! hehe!
Comment na lang kayo kung ok yung program na pinagawa sa akin ha..?
Eto..
After ko mag stretching at magpa cute sa mga nag e-aerobics eh pinag threadmill ako for 30 minutes...
Pagkatapos nun, yung bar na may cable at pulley na hahatakin patungong batok habang nakaupo sa bench, (parang nag babar bell pero pabatak) 30 repetitions.
Tapos, sit-ups 2 sets na tig 30 reps...
Dalawang klase ng bench press na tig 15 reps x 2.
Stationary bike for 30 minutes
Sit-ups uli na tig 15 reps x 2.
..hindi ko alam tawag dun sa iba kasi intsik yung istructor di ko matanong eh.
saka di ko nakuha kung ilang kilo yung binubuhat ko..mga nasa 20 to 30 ata..sori..
Kahuli-hulihan yung pang tighs..
Anyway, ok na bang sumubo ako sa buhatan o paliitin ko muna yung bilbil sa tyan ko?
Bale nasa 5' 4" lang height ko, pero 68 kilograms ang bigat ko,(3 weeks ago 70kg ako eh, hehehe!) pero ano ba ang tamang timbang ko dapat?
Salamat!