Nakabili ako kahapon. 5a.
So eto yung mga napansin ko:
1. Iba-iba sila ng weight. May magaan, may mabigat. May ilang parang "ampaw" pero karamihan "solid" yung feel. ang ginawa ko pinag pares-pares ko na lang yung halos pareho ng weight tapos nilagyan ko ng palatandaan.
2. Yung ibang stick halatang niliha lang kasi medjo nababasa pa yung logo ng "Vic Firth".
3. Hindi ko trip yung finish ng stick kasi nga parang niliha.
4. Walang nakalagay kung anong size.
5. Pinagulong ko sa lamesa yung mga stick. Buti walang baluktot kahit isa. (siguro swerte lang ako sa nakuha ko)
Overall sobrang sulit talaga nito. 900 for 10 pair tapos hickory pa.
Curois lang ako. Diba mga "second" lang to ng vic firth? ano pinag iba neto sa Nova sticks??