Ahh.. Kamusta naman Sir yung guitar mismo? (Yung Strat mo) Sa craftsmanship and sound?
As of now, parang gusto ko nang dilaan yung gitara ko sa sobrang ganda
Unang una ang ganda ng itsura dahil 3-tone sunburst tas gloss maple pa yung neck at vintage tinted yung headstock, mas mabigat siya ng konti kesa sa Squier Standard Stratocaster, wala namang mga sira or flaws, walang mga kinakalawang na parts or something else, no issues talaga, plus sobrang ganda ng tunog, vintage na vintage or classic na classic, masasabi ko talagang nadadama ko rito yung "Classic Vibe", grabe SWABE talaga! Para saken, siya ang best of Squiers (para saken lang naman, pero na-search ko na rin sa mga reviews na Classic Vibe series ang pinakamaganda sa lahat ng Squiers), sulit na sulit yung binayad ko. Tignan mo na lang yung pics na pinost ko kung di mo pa nakita yung itsura, tas kung nagbabalak ka bumili ng Squier Classic Vibe Series, pare GO FOR IT! Di ka magsisisi sa CV series, di mo aakalaing Squier pala yung binili mo.