The Music Forums > Dance and Electronica
Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
slav3unit:
Bale dito, may napakinggan akong remix ng kanta ng NIN na Where is Everybody ang title. Ang lupet, 'yung mga tunog parang 'yung 'pag may nag-error habang pinapakinggan mo sa bulok na computer, mga "glitches" ba. Siyempre, kinailangan kong magsulat din ng parang ganoon. Idol, e.
Naghanap ako sa internet ng filter o plug-in. May nahanap ako at libre pa! Gawa siya ng Glitchmachines.
'eto ang labas. Remix ko ng luma kong kanta. Check out n'yo naman. Libreng download din 'yan kung matipuhan. Pwedeng panakot sa daga, o ipis. hehe.
https://soundcloud.com/slav3unitsideb/allegoryremix
Tenkyu!
All original composition, all DIY, all rights reserved.
'eto 'yung plug-in:
http://www.glitchmachines.com/downloads/fracture/
chiqgarcia:
@ slav3unit
pre, may alam ka bang e-book/any reference regarding sound design/replicating other synth sounds?
im just a noob/preset surfer to synthesis and i just use synth1.
sonicassault:
following this thread, I've yet to play with my Maschine (at walang soundcloud sa office :eek: )
slav3unit:
--- Quote from: chiqgarcia on April 17, 2015, 02:01:23 PM ---@ slav3unit
pre, may alam ka bang e-book/any reference regarding sound design/replicating other synth sounds?
im just a noob/preset surfer to synthesis and i just use synth1.
--- End quote ---
Newbie din ako sa mga synth, pre, e. Pag-adjust lang ng reverb, attack at chorus sa mga stock na presets ang pinakamalayong nagawa ko sa pag-design ng tunog. 'yung Maschine kasi, daang tunog na ang kasama, e, halos mahahanap mo kung ano ang naiisip mo. Sa Microkorg naman, 'di naman daan, pero marami ring presets.
Youtube lang ang maisa-suggest ko. :-(
Salamat sa pag-view!
slav3unit:
--- Quote from: sonicassault on April 17, 2015, 02:24:46 PM ---following this thread, I've yet to play with my Maschine (at walang soundcloud sa office :eek: )
--- End quote ---
Salamat! Nakakalito sa simula 'yung Maschine. Pag-set-up pa lang ng audio driver, kalahating araw ang naubos ko. Galing kasi ako sa walang experience sa paggawa ng beats. Maschine Mikro lang ang gamit ko. 'yung pinakamura nila.
'pag may nagawa ka na, o kahit sino'ng nakakabasa nito, post natin dito sa thread.
'eto pala latest ko galing sa Maschine.
'yung synth inspired 'yan ng kanta ng 10cc na I'm Not In Love.
'yung drums, inspired ng mga 80s retro style na kanta,
'yung lyrics, style new wave na masaya/malumanay yung melody, pero ang laman ng lyrics dark/violent.
Free download 'yan. Salamat!
https://soundcloud.com/slav3unitsideb/barillasonsibatpatalim2
Navigation
[0] Message Index
[*] Previous page
Go to full version