TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: necron33 on November 24, 2009, 12:57:39 PM

Title: PATOK na jeep!
Post by: necron33 on November 24, 2009, 12:57:39 PM
Tanong lang kung nakakaapekto ba sa health natin ung sounds sa jip!? Ung upuan eh parang lumilindol na dahil sa lakas ng bass...
Halos ung puwit mo eh yumayanig..
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: c1ark3nt on November 24, 2009, 02:39:55 PM
nagkaka-migraine ako... so I guess, yes...  :-(
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: constipation on November 24, 2009, 02:44:20 PM
Tanong lang kung nakakaapekto ba sa health natin ung sounds sa jip!? Ung upuan eh parang lumilindol na dahil sa lakas ng bass...
Halos ung puwit mo eh yumayanig..

Psychological meron, nakak-stress siya actually yan din reason ko kung bakit ayaw ko mag-dyip o mag-commute :-)
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: axebass26 on November 24, 2009, 03:06:39 PM
kawawa din ang hearing natin... nadadamage na ang ears natin pag matagal ka sa ganun ka noisy na environment...
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: constipation on November 24, 2009, 03:11:39 PM
kawawa din ang hearing natin... nadadamage na ang ears natin pag matagal ka sa ganun ka noisy na environment...

nakaaka-bingi nga din pwedeng mabasag ear drums
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: spadettie on November 24, 2009, 09:00:18 PM
malakas ang bass malakas ang treble,,, di balance eh kaya masakit sa tenga tapos maiinis kana, tapos sira pandinig mo..

ako ok lang basta loud and clear.. basta wag lang mga lovesongs na may remix ng beat.
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: marzi on November 25, 2009, 12:52:03 AM
ahh yung mga may sounds na tug pak tug tug pak tapos biglang may Ted Ito na "nang mawalay ka, sa aking puso..." oo malakas nga yung mga sounds nung mga ganun.. patok ang tawag dun sa mga ganun jeep.. di ko alam kung may rules na ginawa para sa pagbabawal ng sobrang lakas na sounds pero dapat siguro meron.. kahit babaan lang ng ilang decibels para maging acceptable sa tenga..
Title: Re: Tunog sa jeep!
Post by: spadettie on November 25, 2009, 02:52:33 AM
patok na jeep,
eto ba ung malalakas ang sound system na kaskasero..
yung parang ahas sa kalsada na sumasalubong sa traffic..

grabe sa lakas ng sounds yan, kaya minsan yung pumapara at nagbabayad ay hindi naririnig.
Title: Re: PATOK sa jeep!
Post by: necron33 on November 25, 2009, 05:55:47 AM
oo nga grabe ang lakas at ang sakit sa tenga , di ba nila naisip na di na nakakatuwa yung pinaggagawa nila, ang problema pa dun ambaduy ng kanta...
sana magawan ng batas to
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: killikillers on November 25, 2009, 08:50:08 AM
ganito yung jeep dun sa isang scene dun sa movie ni john lloyd at bea eh

yung "one more chance"

nung nalaman ni john lloyd na hindi pala naging mag ON si bea at si derek biglang may dumating na patok na jip tapos "nanghihinayang" yung tunog

hahahaha john lloyd FTW!!
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: axebass26 on November 25, 2009, 09:29:22 AM
ang tunay na patok ay hindi remix ang tugtog... Hits ang tugtog mapa rap hiphop or rock to metal... Malakas ang sounds... TApos hataw magmaneho at minsan pumapalo (bumabanking)... Ito ang pinaka mabilis na transport (pag hindi nahuli o nasiraan pero minsan kahit nahuli eh abot lang ng bente or sinkwenta harurot na ulit).
-tunay na patokero/ graduate ng alamat university- 
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: boncram on November 25, 2009, 08:49:49 PM
ganito yung jeep dun sa isang scene dun sa movie ni john lloyd at bea eh

yung "one more chance"

nung nalaman ni john lloyd na hindi pala naging mag ON si bea at si derek biglang may dumating na patok na jip tapos "nanghihinayang" yung tunog

hahahaha john lloyd FTW!!

wahahaha i remember that part
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: Psychodestroyer-justin on November 26, 2009, 12:23:44 AM
Anything na SOBRA ay masama..


malamang ang mga jeep na yan.. eh SOBRANG LAKAS NANG SOUNDS nila.. kaya malakas ang bass

psychologicaly may epekto yan...

okay lng kung moodmusic ang pinapatugtog nila.. tipong mga enya... mga ganun.


pero kapag hip-hop or rock or rnb pa yan... sa sobrang lakas nyan.. masstress ka.. and eventually iinit ang ulo mo..
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: ghostalker on November 26, 2009, 05:16:38 PM
ang tunay na patok ay hindi remix ang tugtog... Hits ang tugtog mapa rap hiphop or rock to metal... Malakas ang sounds... TApos hataw magmaneho at minsan pumapalo (bumabanking)... Ito ang pinaka mabilis na transport (pag hindi nahuli o nasiraan pero minsan kahit nahuli eh abot lang ng bente or sinkwenta harurot na ulit).
-tunay na patokero/ graduate ng alamat university- 

yan ang description ng patok na Jeep.
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: wiccan8888 on November 26, 2009, 06:22:25 PM
mas ok pa yung airconditioned na jeep eh.
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: sheriffkamote on November 26, 2009, 09:06:32 PM
madami nito sa cainta..ung iba papuntang crossing! wahahaha..
sakit sa dibdib..sa tenga bakakabasag ng eardrum..haha
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: axebass26 on November 26, 2009, 10:06:12 PM
madami nito sa cainta..ung iba papuntang crossing! wahahaha..
sakit sa dibdib..sa tenga bakakabasag ng eardrum..haha

kung gusto mo tunay na patok mag abang ka sa may aurora blvd... preferably sa cubao para lahat ng biyaheng patok makita mo... cogeo, montalban, parang (nandito ang ALAMAT UNIVERSITY... pinakapatok sa mga patok), at SSS village... eto yung mga jeep na sa sobrang ka patokan eh humahampas sa island or poste, nakakalaglag ng mga sumasabit, nakakahagip ng mga taong nag aabang ng jeep, or minsan pa nga eh tumataob sila sa sobrang lupit ng PALO (Banking)... sa mga biyaheng ito rin nakikita ang mga jeepney na nag di-DRIFT.. minsan nasakyan ko eh sa parteng curbada yung daan eh dinrift niya yung liko... WTF!!! EXHILARATING!!!
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: marzi on November 27, 2009, 03:04:27 AM
^mas nakakatakot yung mga patok ng antipolo..kung paakyat pede pa mabagal sila eh..pero pag pababa papuntang tikling-junction, kung najejebs ka malamang sa bibig mo lumabas yun..
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: lil.drummerboy on November 27, 2009, 05:18:05 AM
^mas nakakatakot yung mga patok ng antipolo..kung paakyat pede pa mabagal sila eh..pero pag pababa papuntang tikling-junction, kung najejebs ka malamang sa bibig mo lumabas yun..
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: killikillers on November 27, 2009, 09:49:34 AM
mas ok pa yung airconditioned na jeep eh.

yan lage ko sinasakyan dati nung papasok ako office eh

yung ayala loop  :lol:
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: Black.gh0st.Knife on February 02, 2010, 10:22:38 AM
dito sa rizal dami nyan, lalo na sa montalban, taytay, cogeo, antipolo.. kung nagmamadali ka, pwede to. oo express nga talaga ang byahe, ang downside lang e:

1.) madalas hindi nanunukli ng tama, haggat mauutakan ka sa sukli, gagawin nila. kelangan mo pa umapila.
2.) hapit sa pasahero, kahit di pinapara, titigil parin. oo, kelangan nila kumita pero keailangan ba na twing me nakikita silang nakatayo sa gilid ng kalsada e paparahan nila?
3.) sa lakas ng sounds, di nila naririnig ang mga nagbabayad at pumapara. dyan pumapasok ang imbensyong "full d string 2 stop".
4.) walang konsiderasyon sa ibang pasahero. iba bastos pa. naalala ko dati, me nakasakay na matandang babae, pumapara sya ng pasalita, hindi nya hinatak yun lubid para huminto, e malakas pa ang tugtog, bumabayo kaya para sya ng para, ng nakatigil na yun jeep, bago siya bumaba, sabi nya sa driver at konduktor e hinaan kasi ang tugtog nila kasi hindi daw marinig ang mga pasahero. pasigaw na sabi ba naman ng konduktor e, "edi sana hindi ka nalang sumakay kung naiingayan ka!"
5.) ganitong mga jeep ang madalas sakyan ng mga snatcher at laglag-barya gang. kaya hindi rin minsan mapigilan na isipin na pag may ganong insidente, ay kasabwat nila ang driver at pasahero.

base lang yan sa obserbasyon ko, ewan ko sa inyo kung me iba pa kayong napapansin.
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: xelalien on April 07, 2010, 03:53:55 AM
novaliches jeeps! lalo na lima o anim pa sumasabit!
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: kelen on April 10, 2010, 01:09:26 PM
buti nalang bihira nasasakyan kong dyip na ganito
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: SGdeluxe07 on June 11, 2010, 07:32:30 PM
Hay nako iwasan nyong sumakay sa ganitong jeep. In my personal experience tumaob yung sinasakyan kong ganito. Ayun nabali ilong ko last year pero ok naman na ako ngayon. Better pag sasakay ng jeep yung mga classic type na jeep na lang.
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: rebelrhetoric on June 11, 2010, 07:44:12 PM
Some cities actually have ordinances penalizing and or prohibiting this.
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: axebass26 on June 14, 2010, 11:29:34 AM
Hay nako iwasan nyong sumakay sa ganitong jeep. In my personal experience tumaob yung sinasakyan kong ganito. Ayun nabali ilong ko last year pero ok naman na ako ngayon. Better pag sasakay ng jeep yung mga classic type na jeep na lang.

anong jeep? parang o sss?
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: SGdeluxe07 on June 14, 2010, 03:46:17 PM
SSS kuya
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: axebass26 on June 14, 2010, 10:03:24 PM
SSS kuya

cable splicer? o our papi (Our Father)
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: SGdeluxe07 on June 15, 2010, 07:36:50 AM
Di ko alam kuya di ko po pinapansin kung ano yung brand nung jeep. Taga Marikina po ba kayo?
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: asti21 on June 15, 2010, 03:45:17 PM
May kakilala ako hindi sasakay pag hindi patok.
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: trinch on June 29, 2010, 02:09:02 PM
exciting ang patok na jeep. sa sobrang exciting eto yung nangyari:

location: UERM papuntang San Juan
counterflow sya tapos hinabol kami ng pahinante ng delivery truck na nakaaway nya (dahil sa counter flow and pagbasag na rin ng side mirror at pagbato sa body nito) napasikot sikot na kami sa eskinita sa SanJuan nahabol pa rin kami ng truck driver na may hawak na balisong.

bad part: pinagbabato ng residente yung jeep and hinahaol kami ng saksak ng truck driver
good side: yung mga chicks na na harapan ng upuan namin and kami na rin ay na gitnang isle na lahat ng jeep para di masaksak... NAKAKANDONG LAHAT SILA SAMIN!!! YEAH!!!

mabuti nang mamatay ng masaya!!! LOL
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: sko on August 18, 2010, 03:13:19 PM
oo nakaka epekto lalo yung nasakyan mo pa eh yung bay na driver tapos "lakas tama" ng the teeth na remix ang sounds hindi lang ear drum mo ang basag, may nasakyan na ko ng ganto ang sounds ang sagwa ng remix..
Title: Re: PATOK sa jeep!
Post by: trasher on September 01, 2010, 03:47:42 PM
oo nga grabe ang lakas at ang sakit sa tenga , di ba nila naisip na di na nakakatuwa yung pinaggagawa nila, ang problema pa dun ambaduy ng kanta...
sana magawan ng batas to

Hahaha... Nakaka-stress nga yan. Lalo na kung ang sounds eh medley nila Renz Verano, April Boy Regino, April Boys, tsaka Willie Garte ang sounds. Tapos yung drum & bass beat to the tune of "The Promise". Malamang mas gusto mo pang tumalon sa jeep, kesa matrapik ng 4 na oras habang nasa loob ng patok na jeep. Ang napansin ko lang sa mga jeep na ito, kapag hindi ka nag-follow up ng sukli mo, hindi ka na nila susuklian. Suklian ka man, kulang na ng piso or 2 piso.
Title: Re: PATOK sa jeep!
Post by: eyey on September 01, 2010, 04:00:34 PM
oo nga grabe ang lakas at ang sakit sa tenga , di ba nila naisip na di na nakakatuwa yung pinaggagawa nila, ang problema pa dun ambaduy ng kanta...
sana magawan ng batas to
pede magawan ng batas yung tungkol sa lakas ng mga tugtog pero with regards to the kinds of song na ipapatugtog (baduy man o hindi), i don' think magagawan ng paraan yan  :-D
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: funday! on September 07, 2010, 11:11:21 AM
Some cities actually have ordinances penalizing and or prohibiting this.

saan?! don na ko titira!
Title: Re: PATOK na jeep!
Post by: James_Animagi on September 19, 2010, 01:20:47 AM
Tanong lang kung nakakaapekto ba sa health natin ung sounds sa jip!? Ung upuan eh parang lumilindol na dahil sa lakas ng bass...
Halos ung puwit mo eh yumayanig..


kung hindi ka naman dinapuan ng sakit dahil sa pagsakay ng jip wala naman ako nakikitang issue para mag alala ka :? :?