hulika

Author Topic: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??  (Read 20501 times)

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« on: September 28, 2010, 12:36:53 AM »
Gustong gusto ko magpatato.. kaso hindi ko pa alam kung anu..

kaso medyo nag aalinlangan ako.. kasi mhirap daw makakuha ng trabaho pag may tato..

ganun din pag may piercing.. pero may piercing nako..

baka kasi mahirapan nga ako sa pag kuha ng work pag graduate ko..

2nd yr college nako..

humihingi po ako ng payo galing sa mga sir na nakakrelate dito

salamat mga sir..

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #1 on: September 28, 2010, 12:38:27 AM »
may narinig ako sa states hindi naman ganun kahirap

eh sa pinas ba??

Offline ytse_neil

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #2 on: September 28, 2010, 12:43:02 AM »
sa call center or any BPO companies pwede kahit long hair pa...dami ako kaofficemate na long hair at saksakan ng dami ng tattoo sa katawan..

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #3 on: September 28, 2010, 12:45:43 AM »
salamat sa reply sir...

may narinig na rin po ako na sa col center daw di mahigpit..

basta magaling ka mag english...

eh panu po kay pag HRM.. kasi hrm istudent ako wehh... 2nd year sir

Offline ytse_neil

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #4 on: September 28, 2010, 01:19:27 AM »
ayos lang yan, basta di makikita kapag nagtrabaho ka na.. Pinsan ko Manager sa isang fast food chain mukhang malinis pag-naka uniform pero kapag nasa bahay lang daming tattoo sa katawan..


Offline mambo

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #5 on: September 28, 2010, 01:22:28 AM »
salamat sa reply sir...

may narinig na rin po ako na sa col center daw di mahigpit..

basta magaling ka mag english...

eh panu po kay pag HRM.. kasi hrm istudent ako wehh... 2nd year sir


mahirap talaga bro ( i think) kasi dahil HRM ka, haharap ka sa tao... ang problema hindi lahat ng tao normal tingin sa may tattoo.

Ako architecture graduate, balak ko rin magpatattoo at meron na ko 4 tattoo concepts na nakapila kaso di ko matuloy dahil baka madiscriminate. Kahit na ipaglaban ko parin yung freedom ko eh nasa employer parin yung desisyon. so abang na lang ako ng right oportunity or kung makagain ako ng respect as an architect/ artist and not an idividual person. siguro tuloy ko na yun.

unless nakatago yung tat like likod or legs. baka mapagbigyaan. pero hirap sumugal talaga.

DRUM ITEMS FOR SALE!! http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,192546.0.html

"Its better to live one day as a lion, than a thousand years as a lamb"

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #6 on: September 28, 2010, 10:34:03 AM »
oo nga...

kaso pag apply ba sa abroad??

di ba mey medical dun??

Offline ryantetek

  • Veteran Member
  • ****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #7 on: September 28, 2010, 12:23:35 PM »
I have 4 tats pero hindi naman ako nagkaproblema. Ska depende rin sa skills mo, kung meron ka bang skill na wala ang ibang tao, ikaw pa rin ang tatanggapin. Yung mga ibang nakakasabay ko magapply dati, ang gaganda ng mga hitsura, wala namang alam. E di useless din di ba?  :wink:

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #8 on: September 28, 2010, 04:52:35 PM »
pwede ko ba malaman sir kung anung trabaho inaplyan mo???

Offline ryantetek

  • Veteran Member
  • ****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #9 on: September 28, 2010, 06:08:25 PM »
pwede ko ba malaman sir kung anung trabaho inaplyan mo???

I'm a computer programmer/web developer bro  :-)

Offline mambo

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #10 on: September 28, 2010, 11:45:25 PM »
siguro dipende na talaga sa klase ng work mo yun.


Sana makapag patatoo na rin ako! hehehehe
DRUM ITEMS FOR SALE!! http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,192546.0.html

"Its better to live one day as a lion, than a thousand years as a lamb"

Offline blackTorotot

  • Senior Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #11 on: September 29, 2010, 09:32:56 AM »
Depende sa industry na papasukan mo.

Sa call center kasi very diverse lalo sa porma.

Tama rin yung mga ser sa taas.

Siguro yung ipa-tattoo mo yung madaling takpan ng uniform.

Offline queso_

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #12 on: September 29, 2010, 04:17:57 PM »
Polo barong + tatoo sa braso = FTW!

Offline page8six....

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #13 on: September 29, 2010, 04:25:40 PM »
Polo barong + tatoo sa braso = FTW!

hahahah
“If you don’t know the blues, … there’s no point in picking up the guitar and playing rock and roll or any other form of popular music.”
– Keith Richards

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #14 on: September 30, 2010, 12:19:24 PM »
taragis..  balak ko pa naman sleeve length na tatoo... hangang sa pangarap muna yata

Offline putchazta_46

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #15 on: September 30, 2010, 01:25:22 PM »
Meron ako kaibigan na HRIM graduate sa La Salle Benilde. Pareho kayo ng concern at istorya.

Nagkwento siya kasi dati. Nun balak niya magpatato nun 2nd college, nagtanong siya sa prof niya kung okay lang or hindi  magpatato para sa mga aspiring CHEF at kung mahihirapan ba siya maghanap ng work.

Kinuwento nun prof niya may personal na kilala daw siyang top chef (sobrang galing daw talaga na chef) sa ibang bansa na may malaking tatoo na Octupus sa likod. Sabi ng prof yun daw symbolo ng pagiging magaling niyang chef  (di ko na lang maalala yun exact reason bakit octopus).

So ayun nagpatato na ren siya. Nun 2nd  year college pa kami nun. Malaki ren yung tato niya talagang visible. Ewan ko kung nagpadagdag pa siya ng iba. Lam ko chef na siya ngyon sa isang resto sa Makait. Di ko na nga lang alam updates/status niya ngyon.

Tingin ko di naman issue yun basta ipakita mo sa employer mo na magiging asset ka ng kumpanyang papasukan mo at ikaw yung right person with the right attitude sa trabaho. Pero along the way, siyempre kilala mo ren sarili mo kaya kung gusto mo magpatato edi gawin mo.  :-D

Offline spongklong

  • Senior Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #16 on: September 30, 2010, 03:24:41 PM »

This was my worry before, nagpatattoo ako nung 3rd yr highschool. sa isip ko kung matatanggap ba ko sa trabaho balang araw or makapag abroad. i experienced na di matanggap sa isang university dahil may body check at bawal ang may tattoo. sa tingin ko depende na lng yan sa papasukan mong trabaho as long as hindi visible to. I'm working as a teacher in Thailand, most of the times my students and colleague they see my tattoo pero parang wala lng sa kanila.  Minsan nga iniisip ko pang magpa dagdag kaya lng medyo mahal.  :-D

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #17 on: September 30, 2010, 04:47:40 PM »
ayus.. nakaka inspire.. salamat sainyo..

Offline akosimic

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #18 on: October 01, 2010, 03:12:28 AM »
to be safe, make sure they aint visible. i have one tattoo on my left arm pero sa upper part. my boss knows i have one and he doesnt mind. humaharap ako sa mga tao in behalf of our company but i dont show it (minsan nakikita though pero rarely hehe)

i know some people who work for a very prestigious company, yet sport tattoos. in fact one holds a high position and another one sports a sleeve tattoo and has a good job.

Offline goth_thug14

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #19 on: October 02, 2010, 10:21:17 PM »
mas maganda siguro kung sa mga tagong parte ka muna magpatato, wag muna bulgaran, kung related sa "arts " yung papasukan mong trabaho, di sila msyadong strict like graphic artists, sa mga call centers pwede rin mga may tato,
eto sir ang mas siguraduhin mo kung magpapa-tato ka:
1. Siguraduhin mong magaling yung tatto artist.
2. Malinis yung Tatto Shop pati yung mga equipments.
3.Siguraduhin mo kung anong tattoo ang ipalalagay mo(pag-isipan mo ng 100x).
4. Laging tandaan-"A GOOD Tattoo is not cheap, A CHEAP Tattoo is NOT GOOD".

Offline hellven

  • Regular Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #20 on: October 02, 2010, 11:00:59 PM »
mas maganda siguro kung sa mga tagong parte ka muna magpatato, wag muna bulgaran, kung related sa "arts " yung papasukan mong trabaho, di sila msyadong strict like graphic artists, sa mga call centers pwede rin mga may tato,
eto sir ang mas siguraduhin mo kung magpapa-tato ka:
1. Siguraduhin mong magaling yung tatto artist.
2. Malinis yung Tatto Shop pati yung mga equipments.
3.Siguraduhin mo kung anong tattoo ang ipalalagay mo(pag-isipan mo ng 100x).
4. Laging tandaan-"A GOOD Tattoo is not cheap, A CHEAP Tattoo is NOT GOOD".
tnx sir..

Offline guitar.source

  • Senior Member
  • ***
Re: mahirap nga bang magkatrabaho pag may tatoo??
« Reply #21 on: October 16, 2010, 10:20:14 PM »
ayus.. nakaka inspire.. salamat sainyo..

go get some.  :-)