pero mga Mods, kapag ba binan nyo ang isang forumer, hindi nyo na ba papakingan ang paliwang nya? I mean ban kung ban agad?
May due process naman kaming sinusunod. may warnings na sinesend kapag may nakitang mali, may chance mag-explain ang forumite in response sa warning na ipinataw. kapag sumobra na talaga, may deliberation and concurrence pa from the mods/admin before pa ma-ban ang isang forumite. mahaba at mapasensyang proseso. minsan kahit banned na, clone account pa ang nag-explain.
medyo nalilito rin ako ng kaunti, in short di ko talaga alam din ang hangganan kung saan, or if paano na ban or unbanned ang isang forumer,
mga mods nag seserve/send a private message notice sa forumer bago niyo ipataw yung parusa po? and ilang warnings po bago sila ma ban?
thank you, tanong lang po ha, baka ma ban ako dito...
Hindi naman kayo basta ma-ban just for asking questions.
maganda nga na aware ang forumites sa proseso. Nagbibigay kami ng warning or PM if may nakitang mali sa ginawa ng isang forumite. Kadalasan, it's either may nagsumbong or nakita namin mismo, kaya may proof talaga na may kasalanan talagang nagawa. from there, may up to 3 warnings kami na binibigay. 4th warning, suspension muna. minsan suspended lang sa board, minsan sa mismong site. minsan di naman sinususpend pero pinagsasabihang maigi kasi di naman ganun kabigat ang offense. depende sa bigat ng kasalanan ng forumite yung disciplinary action na ipinapataw. kapag naka-3 suspension na, or nareach na yung level ng warnings enough para masabi na sobra na, dun na yung time na na-ban ang isang forumite. again, as aforementioned, mahaba at mapasensyang proseso talaga.
Mods, wag nyo po sana masamain. Nagulat kase ako bigla naging Topic tong tanong ko (actually pinost ko to dun sa Gandydancer thread), baka po kasi isipin ng iba na suma-side ako masyado kay Gandy. Natanong ko lang po ito para po malaman ang pwedeng gawin kung sakaling ma-ban ako
Maganda actually na nagtanong ka about sa topic na ito, nagkataon lang na si gandy yung na-ban as of recent kaya siguro dun mo napost/focus yung point mo. Again, hindi ka ma-ban sa pagtatanong sa mods.