1. Kasi ang tunog mo pag dinaan sa amp (assuming bypassed yung preamp) ay: Amp Sim > Cab Sim > Cab ng amp mo. Nakukulayan nung speakers nung amp mo yung signal ng G3X, vs pag sa computer mo diretso pinakinggan, yun na yung tunog nung G3X lang. And of course di naman marerecord yung output ng cab mo unless i-mic mo sya. that being said, yung maririnig mo na sound na galing sa amp mo mas may tulak at hangin kaysa sa signal na narerecord.
2. Pwede mo naman gamitin yung setup na nasa diagram, pero yun nga, iba yung tunog ng signal ng G3X na maririnig mo sa amp mo vs sa narerecord sa computer. Makukulayan ng amp yung tunog ng G3X mo dahil sa speakers (and/or preamp), pero hindi naman yun ang irerecord, kasi diretso sa computer yung signal. So kung tinimpla mo yung sound mo na ang monitor mo ay amp, magiging tunog jebs yung recorded sound mo. Kung gagamitin mo yung G3X line out setup, yung speakers or headphones ang isaksak mo tapos piliin mo yung processed signal para rinig mo mismo kung ang narerecord, hindi yung nakukulayan ng amp.
3. Pwedeng headphones na lang. Monitor speakers are a waste of money if you don't do a proper setup, which includes ample space, speaker positioning (ear level, hindi dikit sa pader, hindi masyado magkalapit, etc), treated room acoustics, etc. Like I said, go big or go home ang monitors.
4. Inherent na problema yan pag ganyan ang setup, natry ko na rin yan dati. Hindi ko alam exactly kung ano yung problem, may ECE ba dyan? Pero may kinalaman yung kuryente sa noise. Yung sa nagdidistort naman, malamang hindi mo hininaan yung recording volume sa computer kaya nagdidistort. Syempre sa G3X hindi ganun kasi audio data na ang dumadating sa computer, hindi na audio signal kasi USB na ang nagdadala hindi na TS/TRS