Finally bought my active speaker. Bought the EV ZLX12P sa EVI in San Juan nung huwebes. It is the closest active speaker to QSC k12 sa presyong abot kaya ko. Hindi nakakapagod makinig ng music.
Pero bago ako pumunta sa EVI nag punta muna ako sa Ali Mall at pinakinggan ko din yung mga speakers dun. Maganda din yung Peavey na 115, nalalakihan at nabibigatan lang ako sa kanya.
Test ko kahapon yung isang pares na EV, nag start yung occasion sa school ng 7am upto 4pm non-stop yung background music, nasa 0db yung gain at warm to touch lang yung amp. May dalawang parents nagpunta saakin at nagustuhan yung tunog at hindi daw masakit sa tenga at malinaw na malinaw ang boses ng mga nagsasalita. Yung Bass nya pagmalapit ka sa speaker ramdam mo naman, pagmedyo napalayo ka na ng mga 15 meters yung mids and highs na lang.
Ang major na napansin ko feeling ko mahina yung music natatakot naman ako lakasan pa at baka magoverheat. pero compare ko sa dati kong gamit which is daiichi na 15" powered speaker mas malakas yung tunog ng EV kasi kahit sa kapit bahay dinig na dinig yung music. Siguro gumanda yung tunog kaya feeling ko kulang sa lakas? ganunkaya yun o feeling ko lang
Anyway I think this speaker will really shine sa mga enclosed spaces siguro next week baka subukan ko sa bahay.
Thanks guys for a very good recommendation napakalaking tulong nyo po. Sa uulitin