TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Tech Forums => Gaming => Topic started by: calvs on August 27, 2007, 04:28:42 PM

Title: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on August 27, 2007, 04:28:42 PM
Back in college, I was soooo addicted to the King of Fighters series and Tekken 3 (and tons of other fighting games like capcom vs. SNK, project justice, guilty gear, etc.) and "challenging" amongst us players was very common.

Ang sarap ng pakiramdam when you win a closely contested battle, but kahit saan, hindi talaga naiiwasan ang pikunan.

I remember back in the day when I was playing KOF2000. I was winning by a huge margin so I pressed the "taunt" button.
Turns out the challenger didn't like that and he started throwing profanities at me while we were playing.
Laging "T.ang in.a, G.ago ka pala. Oh, ano kaya ko din yan! Oh, oh, sabi na nga ba ganyan gagawin mo e" etc etc.
He kept inserting tokens and kepton challenging me.. I think I won 7 straight until he finally decided to give up. Another challenger took his place but then he still talks behind me, calling me a cheat, etc etc and he even pushed my back.

I saw him lotsa times after that but he never challenged me again. He brings his"bodyguard" (who's very good, actually) and we're the ones who slugged it out.

Yun.. basta fighting games, dami talagang initan ng ulo.
I'm sure kahit hindi fighting games may pikunan din.. (driving games? UFO catcher? hehehe)
Kahit siguro sa staff at tindera ng tokens nagkaka-pikunan.
Share your experiences, anong ginagawa niyo sa situation na iyon, etc.

Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: marzi on August 27, 2007, 04:40:57 PM
samin panahon ng marvel vs street fighter...hiwalay pa consoles ng mga players nun(magkatalikod yung mga consoles)...

so ayun, naglalaro ako tapos may challenger...ang gamit ko nun ay wolverine/omega red...so natalo sya...edi challenge ulit...talo pa rin...

nung 4 na beses ko na syang natatalo ay umayaw na yata at lumapit sakin...4th year hs ako nun at sya e parang pa-graduate na ng college...sinabi nya sakin "t**gina, bisaya(bisaya=jologs) yang mga characters mo eh! so sumagot ako habang naglalaro ako "baka hindi ka marunong kaya tinatawag mo akong bisaya?" ayun, napikon tapos hinamon ako suntukan...so ang ginawa ko hiniram ko sa may ari nung arcade yung steel knuckles nya at may kaaway kasi ako...

so paglabas ko nakita ko inaabangan na ko, mejo matangkad sya at alam ko ng mahirap sumuntok at sumipa kung mas mahaba ang braso at binti ng kalaban mo..buti na lang sumunod yung may ari ng arcade at pinaalis nya yung kaaway ko...

simula nun, pag nakikita nya ko na naglalaro hinihintay nya muna na matapos ko yung laro ko tsaka lang sya maglalaro...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on August 27, 2007, 09:24:11 PM
^ wow, di pa naman ako umaabot sa "tara sapakan na lang!!"

may time pala dati na napikon din ako kasi first time ko lang maglaro ng guilty gear, sinabihan ko na nga yung maglalaro nga "wag muna chllenge, first time ko lang", pero tinuloy pa din yung challenge...
at ang masama dun kakasimula pa lang ng round 1 ng stage 1... tapos binugbog sarado pa ako.

syet, nabwisit talaga ako nun, pero la na lang ako ginawa.
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: marzi on August 27, 2007, 09:36:57 PM
yun nga makulit dun sa nag challenge sakin eh...pinapatay ko na nga si Omega Red para partida tapos tinalo ko na lang ng Wolverine eh...

tsaka dun lang naman ako magaling eh...hamunin nya ko ng Street Fighter EX di ako mananalo eh...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on August 28, 2007, 02:29:36 AM
walaa pa naman nangyari sakin na away sa arcade. ang natatandaan ko lang ay nag sesega rally kami ng laibigan ko. tatlo kami nun. yung kasama ko na isa tapos na kaming dalawa. yung isa ng lalaro pa. tapos may mama na akala namin nag hulog ng token. ayun galit na galit na pinag sisipa yung token slot yung isa kong kasama tumulong pa sa pag sipa. ako tawa lang ng tawa kasi mukhang [chewbacca] yung mama eh pati yung isa naming kasama. pagkatapos mag laro nung isa naming kasama wala na yung celphone nya. yun pala kunyari lang na sinisipa para hindi maramdaman ng kasama ko habang kinukuha na pala yung cel nya. hinanap pa namin pero hindi na namin nakita. sayang yung cel nya ilang weeks pa lang yun. 6610 ata yun dati mahal pa yun siyempre. natatawa na lang kami pag naalala namin yung nangyari...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: daemonite on August 28, 2007, 02:57:26 AM
San kayo sa akin, Nakipag-sapakan ako dahil sa Street Fighter II. Napikon yung kalaban ko kasi ang pinangtalo ko sa kanya ay si E.Honda. Wahahahaha....
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on August 28, 2007, 03:24:23 AM
dapat ginawa mo sakanya yung mga moves ni E. Honda :lol:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on August 28, 2007, 10:56:19 PM
^ LOL  :lol:
"doskoi!" sabay babagsakan ng pwet.

lakas naman kasi ni Honda e... lalo na yung jab version nung torpedo niya...


dami kong nakikita dating nag-aaway dahil sa infinite MP - MK air juggle ni Gambit sa Marvel vs Capcom  :-D
la din namang galang yung mga gumagawa nun sa challenge...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: cool2ny on August 29, 2007, 12:42:29 PM
eto, medyo off topic, kasi away hindi sa arcade... but inside a pc rentals.

dalawang beses na ako naka kita habang naka tao ako sa shop.

yung una... dahil sa larong "land of the dead" (parang counter, na may mga zombie). 4 silang mag kakasama, nag time na yung 3, yung isa dun sa nag time, kinukulit yung isa pa nilang kasama na nag lalaro pa... yung payong na folding... pipipindot, sabay tumatama sa batok yung nag lalaro, sabay sabi unlimited shot gun daw (sa game kasi, nauubusan ng bala, kailangan mamumulot). yung unang beses ginawa, winarningan sya na isapa uupakan kita... inulit... inupakan nga, nawasak yung payong kasi pinag sanga nya hehehe.

yung pangalawa naman, dahil sa DOTA... nag kakapikunan na sila sa laro... may trash talk na sila sa isat isa... pero nag time sila parehas, so hindi natapos yung laro... pag labas ng shop... dun nila tinuloy, sa kalsada  :-D
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on August 30, 2007, 11:10:55 AM
^ yikes... sakit yun kahit payong..

haha, may mga bata akong nakita na nag-away dati, kasi may nakuha sa UFO catcher yung isa, pero may batang nanghablot nung stuffed toy na kinuha niya. naghabulan sila hanggang sa nagsapakan sa sahig. di ko alam kung ano ginagawa ng yaya nila nun...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on August 31, 2007, 02:29:22 AM
isa pa palang natatandaan ko sa mga arcade o kaya mga computeran yung mga batang mababaho at minsan tumutolo pa sipon habang naglalaro ka. nakaka istorbo pa kasi ang daldal akala mo kung cnong marunong mag laro tapos lagi ka pa nasasangi. :evil:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: art_attack16 on September 01, 2007, 02:43:04 PM
ako dahil din sa arcade..

sa dance revo..
there was dis Ala- DOA chick na nagsasayaw ng paranoia..

syempre..

alam naman natin ang DOA chicks..hahaha

puwesto ako sa harap nya.. sayaw naman sya.. tapos yun..

tanong sa akin nung babae

"bakit anjan ka?"
pero nakangiti naman

may lumapit sa akin na lalake..

"pare bakit anjan ka sa unahan eh nasa harap daw yun monitor"

hahahaha..natawa lang ako..

sabi nya.. gusto mong sapakin kita?

yun.. almost away na.. bf pala nya yun guy..

5'8 ata yun guy eh 5'5 lang ako..

Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on September 01, 2007, 02:46:26 PM
wahaha selos yun kasi gusto nung babae :lol:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: marzi on September 01, 2007, 02:51:53 PM
ako dahil din sa arcade..

sa dance revo..
there was dis Ala- DOA chick na nagsasayaw ng paranoia..

syempre..

alam naman natin ang DOA chicks..hahaha

puwesto ako sa harap nya.. sayaw naman sya.. tapos yun..

tanong sa akin nung babae

"bakit anjan ka?"
pero nakangiti naman

may lumapit sa akin na lalake..

"pare bakit anjan ka sa unahan eh nasa harap daw yun monitor"

hahahaha..natawa lang ako..

sabi nya.. gusto mong sapakin kita?

yun.. almost away na.. bf pala nya yun guy..

5'8 ata yun guy eh 5'5 lang ako..

sa Encore Megamall ba yan? dun maraming DOA girls eh...mga sossy pa!
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: alvin_11 on September 01, 2007, 03:03:04 PM
mejo OT yung aken.. sa computershop naman toh..

counter strike nilalaro namen 1-1 kme..(hindi ko kilala basta nalalaro din..)hinamo n ako..edi payag naman ako..eh napag tripan ko na magtatago ako lagi tapos pag sasabog na yung bomba sa eust saka ko lang siya sasaksakin..hanggang nauwi sa trash talk..sabi niya"p*utang *na mo pala ehh..tago ka lang naman..sinasayang mo oras ko..!" eh bata pa ako nun..pagka time namen paglabas ko sinuntok ako sa mukha tapos sabay batok sken..UMUWI AKONG LUHAAN AT MAY BANGAS SA MUKHA! huhuhu..nakikita ko panaman yung sumuntok sken pero hindi ko na ginantihan..drug addict na ehh..baka saksakin pa ako..hihihihi... :lol:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: art_attack16 on September 01, 2007, 07:36:52 PM
nope.. sa southmall lang to nangyari.. grabe.. umuusok ata ilong nun lalake..

Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: rhanen28 on September 01, 2007, 09:59:33 PM
ako sa drummania

may sobrang nagyayabang dun so ginawa ko eh sinigawan ko and sobra sa pagmumura ginawa ko nung sasapakin ko na sana eh umiyak nawala galit ko

sa maximum tune

may 2 guys nagaangas nilabanan ko then naka 10 games ata kami sila seryoso ako naka de-kwatro pa nung natalo sila hinampas ako binato ko ng drumsticks sa ulo
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 03, 2007, 09:32:13 AM
angas nga yung ibang naglalaro ng drum mania sa megamall...

ako dahil din sa arcade..

sa dance revo..
there was dis Ala- DOA chick na nagsasayaw ng paranoia..

syempre..

alam naman natin ang DOA chicks..hahaha

puwesto ako sa harap nya.. sayaw naman sya.. tapos yun..

tanong sa akin nung babae

"bakit anjan ka?"
pero nakangiti naman

may lumapit sa akin na lalake..

"pare bakit anjan ka sa unahan eh nasa harap daw yun monitor"

hahahaha..natawa lang ako..

sabi nya.. gusto mong sapakin kita?

yun.. almost away na.. bf pala nya yun guy..

5'8 ata yun guy eh 5'5 lang ako..




haha, kung ginawa mo din suguro sa GF ko yun magagalit din siguro ako  :-D
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on September 03, 2007, 11:10:30 AM
nakakaasar yung mga dugyot na emo na naglalaro ng drumania. :evil: lalo na diyan sa Sm north edsa :evil:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 03, 2007, 11:53:13 AM
nakakaasar yung mga dugyot na emo na naglalaro ng drumania. :evil: lalo na diyan sa Sm north edsa :evil:

 :lol:

yung mga pormang japanese? hehe, dami din nun sa megamall.
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: art_attack16 on September 03, 2007, 02:55:59 PM
hala.. Calvs ala naman ako ginawa dun sa babae ^_^

nanood lang ako hehehe
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: insultedgamer on September 03, 2007, 07:15:49 PM
hala.. Calvs ala naman ako ginawa dun sa babae ^_^

nanood lang ako hehehe

Siguro talagang DOA chick yun kaya mo nagawa.  :-)

Pero syempre maiinis din ako.  :-) Kung ako yung BF.  :-)
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: rhanen28 on September 03, 2007, 08:03:46 PM
ang dami sa drummania porket marunong na eh feeling nila magaling na silang drummer lolz  :lol:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: marzi on September 03, 2007, 09:16:10 PM
ang dami sa drummania porket marunong na eh feeling nila magaling na silang drummer lolz  :lol:

ganun din naman dun sa guitar hero eh....nanonood lang ako tinitigan nako ng masama mula ulo hanggang paa...tapos parang gusto nyang sabihin na "ako lang ang RAKISTA dito"
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: rhanen28 on September 03, 2007, 09:22:35 PM
meron ba guitar hero na arcade?

Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: marzi on September 03, 2007, 10:05:00 PM
^meron pre...hindi official na machine na pang arcade, may ps2 din sa loob...parang yung mga dating dance revo machines na kung sino sino gumagawa...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on September 04, 2007, 02:16:04 AM
:lol:

yung mga pormang japanese? hehe, dami din nun sa megamall.
oo meron din. basta madami. halo halong klase na ng mga dugyot andun. hehe yung korean ata yung sinasabi mo. minsan may sungay pa nga sa ulo yun tapos pinag mamayabang nya mga drumsticks nya.
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 04, 2007, 09:27:30 AM
hala.. Calvs ala naman ako ginawa dun sa babae ^_^

nanood lang ako hehehe

siguro (sigurado) papanoorin ko din pero di naman harapan  :-D

^meron pre...hindi official na machine na pang arcade, may ps2 din sa loob...parang yung mga dating dance revo machines na kung sino sino gumagawa...

saan to bro?

oo meron din. basta madami. halo halong klase na ng mga dugyot andun. hehe yung korean ata yung sinasabi mo. minsan may sungay pa nga sa ulo yun tapos pinag mamayabang nya mga drumsticks nya.

haha, baka nga, pero madami talaga! kahit mga babae na kasama nila, nakasuot ng corsette sa labas, may mga naka-cowboy hat pa. ewan ko lang. hehehe  :-D
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: lil.drummerboy on September 04, 2007, 10:54:59 AM
haha. ewan ko nga sakanilla nakatambay pa sa quantum dun sa sahig ang dami nila. parang ginawang picnic place yung quantum :evil:
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: marzi on September 04, 2007, 02:10:21 PM
saan to bro?

sa rizal area yata, nakalimutan ko eh...basta ang natatandaan ko, madaming naglalaro nun dun...tapos maliit lang na mall na may grocery tapos shops..nakalagay sa bandang gitna yung machine e...

ganun din ginawa nila dati sa Guitar Freaks sa megamall eh...
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 05, 2007, 02:45:26 PM
sa rizal area yata, nakalimutan ko eh...basta ang natatandaan ko, madaming naglalaro nun dun...tapos maliit lang na mall na may grocery tapos shops..nakalagay sa bandang gitna yung machine e...

ganun din ginawa nila dati sa Guitar Freaks sa megamall eh...

ok, salamat bro..
yup, ginawa din nila sa napakarami pang fighting games sa megamall.

haha. ewan ko nga sakanilla nakatambay pa sa quantum dun sa sahig ang dami nila. parang ginawang picnic place yung quantum :evil:

ang dami ngang tambay sa labas ng mga arcade dun na may acoustic guitar pa, etc.
parang nakakabad-trip din tuloy mag ice-skating.  :-)

pero dami talaga nagkakainitan dati, lalo na kapag fighting games..


AH! may time pala naasar din ako sa isang maliit na bata, mga 3 o 4 lang siguro.. naglaglag kasi ako agad ng token, dumating yung bata at napinindot yung start button sa 2nd player kaya ayun, nasayang ang isang token.. hehe, siyempre di ko na pinatulan yung bata.  :-D
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: cool2ny on September 07, 2007, 02:20:51 PM

syempre..

alam naman natin ang DOA chicks..hahaha


OT: ano yung DOA :?
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 07, 2007, 02:24:57 PM
OT: ano yung DOA :?

Dead Or Alive  8-)

virtuafighter-style game that's famous for chicks with bouncing... eherrm  :-o
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: art_attack16 on September 07, 2007, 05:42:38 PM
hahaha... BOuncing personality ^_^

google mo na lang cool ^_^

DOA Katsumi pics

nyahahaha

personal favorite ko to!!
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 07, 2007, 05:57:30 PM
i like lei fang, lalo na yung black tights  :-o



----
back to the topic;

haha, nung isang araw may nagkakapikunan dahil sa credits sa drummania.
sabi nung isa na "nakapila" daw siya, eh may nagpupumilit sumingit.

Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: nickienokie on September 10, 2007, 11:57:26 PM
hahaha... aku sa tekken 5... pag hnd aku mnalo...hehehhe mejo tahimik nlng aku nun :-D
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: insultedgamer on September 21, 2007, 07:01:46 PM
Madami talagang pikon sa bata.  :-)
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: istrohilapy_41 on September 27, 2007, 08:56:25 AM
amFneSS...

buti may thread na ganeto....

kaasar kasi ung ibang mga players sa arcade...

kapag nananalo,nagmamayabang...

kapag napupuri,lumalaki ulo...

kapag natatalo,minsan,lakas mag parinig..

gusto yatang mag hamon ng suntukan...

 :x haayz....

bad3p tlga..
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: calvs on September 27, 2007, 09:42:32 AM
amFneSS...

buti may thread na ganeto....

kaasar kasi ung ibang mga players sa arcade...

kapag nananalo,nagmamayabang...

kapag napupuri,lumalaki ulo...

kapag natatalo,minsan,lakas mag parinig..

gusto yatang mag hamon ng suntukan...

 :x haayz....

bad3p tlga..

labas mo lang lahat ng sama ng loob bro  :-D
basta wag magmumura  :-)
Title: Re: Pikunan/Awayan sa arcade; post your experiences
Post by: Seej on October 01, 2007, 11:01:00 PM
Eto, hindi naman pikunan pero nakakatuwa lang. Haha. Di naman sa nagmamayabang ako.

May schoolmate ako, naglalaro ng Tekken 5: DR. Eh sa sobrang bored ko, chinallenge ko siya. Eh di panalo. Kinalaban niya ulit ako, panalo nanaman. Tapos nakita niya ako. Natawa siya tapos tinawag niya yung mga kaibigan niya na kaklase ko rin. Ayun, lahat sila magkakaibigan, nakapila, ako lang kalaban. :lol:

Pagkatapos naman, may batang 5 year old daw na nagchallenge sakin sa tekken (di pako umaalis nun ah) na may tekken card (hwoarang). Kala ko magaling kasi meron pero madili lang pala. Tapos, nung natalo ko, may isa nanamang challenger. Kala ko yung bata ulit, yun pala, yung tatay naman!  :lol: Natalo ko rin naman. Jinoke nga sakin ng kaklase ko na nakalaban ko rin na baka yung lolo naman makakalaban ko sa Tekken. :lol: