mga sir, sa opinyon nyo, nasa gamit ba o sa skill ang basehan ng isang magandang tugtog? ...sa tingin ko kasi, 50% ng performance ay nasa gamit at 50% din sa skill, ... naimagine ko lang po kasi kung ang isang mahusay (PRO) na drummer ay pagamitin ng sobrang pangit na kit (worn out heads,cracked cymbals ...etc.) , maganda pa rin kaya tugtog ng band nila?o kaya naman ang isang bagong drummer na basic beats ang gagamitin sa mga songs nila ay pagamitin naman ng sobrang high-end na kit na naka-mic in ng malupit....
kaya ko ito naitanong kasi kadalasan sa mga bar gigs / battle of the bands, not necessarilly sa mga drummers lang, ay nagiging basehan talaga ng galing ng banda ang gamit na dala nila (ex. good cymbals/snare drum, effects, guitars) ... sana share po kayo ng mga experiences nyo na naging basehan hindi lang ang skill kundi pati na rin ang gamit...
(kung may ganito na pong topic, pasensya na po,hehe....)
thanks!