wow! dami palang member din philippinepetfinder dito
@kawal sa philippinepetfinder kami naghanap kesa sa mga petstore, yung makita namin san yung roots ni jorge eh malaking bagay...
compare sa store na hindi lam kung pure breed or mixed breed yung kukunin na beagle.
masarap mag alaga ng beagle, low maintenance, hindi pa mabalahibo (gusto talaga ng gf ko labrador, malaki lang at pag nag shed sangkatutak, laki pa ng pup_) mag shed man beagle konti lang compare sa mga hairy dogs
sa price 8k kuha namin kay jorge, 3months old, may shots at paper (1st time namin kumuha ng pet dog)
sa nakita kong price range sakto lang 8k, ang alam ko depende sa lahi, at built ng aso, si jorge hindi naman pang show pero yung character at yung charisma n'ya super sulit
nung mga 3-1year old, super hyper, ayaw nakakulong gusto nya nakakawala saka ayaw ng walang kasama
ngayon hindi na rin naman s'ya kasya sa cage, nakatali s'ya sa poste ng bahay na nakaka ikot naman s'ya,
nabawasan na pagka hyper pero hyper pa rin pag tinopak... virgin pa rin
mabait naman, saka disiplina, pag umuuwi ako ng weekend nilalabas ko s'ya sa umaga at hapon, super friendly hindi marunong magalit kaya akala n'ya lahat ng aso ganun din (nagdadala ako pamalo para pang resbak sa mga hampaslupang aso hehehe)
sikat na si jorge sa neighborhood kasi pag dumaan yun lahat ng aso sa paligid mag tatahulan na hahahaha
s'ya rin pala audience ko pag nag gigitara ako sa bahay haha kaya lang pag tumahol na yun, 4pm na, oras na ng labas namin (loko loko haha kala n'ya s'ya amo haha