Alice in Chains - Self Titled Album
may istorya yung pagbili ko nito.i was in grade 4 nung pumunta sa bahay namin yung kaibigan ng kaibigan ko - di ko direktang kilala.gulat ako kung ano ginagawa nya samin.tapos tinanong nya ko kung gusto ko daw ba bumili ng tapes nya.kinalat nya yung mga dala nya. i saw White Zombie, Slayer and yun Spaghetti Incident na GnR. wala akong idea sa music nitong mga to noon dahil puro Nirvana at Eheads pa lang ako at yung mga naririnig kong pinoy rock sa LA105 at mga radio stations.
naakit ako dito dahil yung plastic case ng tape eh neon green.lolz
so binili ko.30 pesos lang.tapos umalis na sya.
mga 30 mins pinapakinggan ko na.medyo di ako natuwa.ang dark masyado para sakin.di ako handa sa ganito.pagdating sa Heaven Beside You, dun lang ako natuwa.
tapos maya maya pa, dumating yung kaibigan kong kakilala nun nagbenta.tinanong ako kung may ibinenta daw ba sakin.nung sinabi ko yung tape nga, sabi nya bakit ko daw binili - pambibili lang daw ng shabu yun nung kaibigan nya.
so sumunod na punta nya, bumili pa ako ng tatlo lolz.