Hallo Guys.
Hehehe.
Just came back from Hong Kong and I want to share my experience with regards to Vaping there. This may also serve as a reference for others who might ask the same questions I asked a week ago.
NAIA - Walang naging problema sa scanning, 1st xray scanning at 2nd xray scanning. Basta dapat naka kalas sa mod yung atty, at yung battery(Based sa mga naging payo sa akin dito last week.). Mas maganda kung yung battery e may sariling lalagyan.
- Sa E-Juice, mas maganda kung ang dala niyo ay tig-30 ml lang. Para at least, meron kayong immediate juice na pwedeng gamitin, at may spare kayo na pwede niyo ihalo sa mga toiletries niyo para di masyadong mainit sa mata. haha. Lagyan niyo din ng label yung battery case niyo, para mabilis makita ng mga officers kung sakaling ma-tripan nila na ipakalkal yung gamit niyo.
- Pwede magvape sa mga smoking lounge habang naghihintay ng boarding, kaya lang medyo low-profile lang yung hipak. Wag muna mag cloud chase, kasi bulahaw pa din yung usok ng vape sa ibang tao, lalo na dun sa mga Foreign Nationals na kasabay mo na hindi alam yung Vape.
Hong Kong - Gaya ng sabi ni Sir Ralph_Petrucci, you cannot vape where you cannot smoke. Although pwede naman mag vape sa kalye, lalo na dun sa area na tinuluyan namin(Wan Chai), pero medyo nakakailang lang mag vape, lalo na kung medyo malakas yung output niyo, kasi takaw pansin lalo na sa mga matatandang Chi. Minsan nga, kukumpol pa sila sa harap mo para panoorin kung paano gumagana yung vape. haha
Hong Kong International Airport - Wala din naging problema, basta naka-organize yung gamit mo at naka-kalas yung atty at battery ng mod mo.
Kung wala kayong checked0-in luggage, wag na kayo madala ng building kit. hahaha baka kumpisin e. haha