Hindi lang dito sa Pilipinas may crappy songs/albums na nabebenta
Hindi lang dito sa Pilipinas merong nagsasamantala sa hype/uso. Hindi lang dito sa Pilipinas may nagre-revive (or tribute).
Ang talagang nakaiinis ay yung 'Only in the Philippines' attitude ng marami kapag may pangit na bagay na nakita/narinig/nabasa tungkol sa Pilipinas
Wala tayong monopoly ng tinatawag ng ilan greedy producers at easily swayed masses.
------
I remember noong 90's nang naging masigla ang band scene. Andaming naging alternative/{insert genre here} artist. Yun ang mga naging mainstream. Maraming mga 'magagaling' ang lalong 'lumalim' ang taste just to differentiate themselves from the masses. Inakusahang baduy at sell-out ang mga sumikat na dating nasa 'underground'.
Minsan ko na ring inisip na walang choice ang masa kaya sumisikat ang tinawag ng ilan na baduy. Ngunit may pagpipilian ang masa, hindi lang minsan o makalawa na may mga artist na naglabas ng 'intellectual' na album. Ngunit mas gusto ng masa ang tinatawag na baduy ng ilan.
Bakit nga ba? Hindi kaya nakasasawa rin ang preachy/whiny style ng topics ng 'intellectual' artists? Hindi kaya ang purpose ng masa ay mag-enjoy at tumawa kaysa maging politically correct at intellectual? Sinubukan ng Eraserheads na iahon ang masa
pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumamaHindi [chewbacca] ang masa. Sa dami ng mga iniisip at problema, wala na sigurong panahon para sa malalim/makabuluhan/orihinal na kanta.
------
And if we think that our preferences/music is better than what the masses/jologs/squatters enjoy, then show it! Why not organize free concerts/gigs for the masses and show 'em what you think is better
Peace!