lahat ng aso natuturan at pwedeng irehabilitate kahit anong edad. mas madali lang kapag tuta, pero kahit matanda ay pwede paring mabago ang paguugali. hindi totoo ang kasabihan na you can't teach old dogs new tricks. kailangan mo ng patience at dedication diyan tol, hindi mo mababago ugali niya kapag wala kang time. desensitisation ang tawag diyan. ito yung pagbabago ng outlook ng aso sa mga influence sa kapaligiran. ang iniisip niya kasi, pag ginagalaw yung pagkain niya, may kukuha. so ang gagawin mo, gagawin mong magandang experience ang presence mo pag kumakain siya. unti unti dapat.
para magawa mo ito, kapag lumalapit ka sa kanya, hulugan mo ng pagkain yung bowl niya. paulit ulit dapat, every meal ganun, para maging magandang experience ang dating masamang experience. so ang iisipin niya, lalapit ang tao = tasty treats. mas maganda kung high value treats like chicken liver. babaguhin mo lang ang mind set niya, kailangan lang, patient ka. Simulan mo din ng obedience training, lahat ng aso, purebred, mutt, aspin, kahit anong edad, natuturuan, kailangan mo lang talaga ng tiyaga. mabbuild nito ang trust at bond.
gamitin mo din ang Nothing in life is free (NILIF) program. Example, gusto niya ng pagkain, kailangan mag sit muna siya, gusto niya magpacuddle, kailangan mag down muna, gusto niya umakyat sa kama at sa couch, kailangan maghintay muna siya ng approval mo, ang ginagawa nitong program na to ay tinuturuan mo siya na magtrabaho para sa mga bagay na nakakapag pasaya sa kanya, at marerealize niya na lahat ng bagay na magaganda ay nanggagaling sayo. Ikaw ang ituturing niya na leader, dependent siya sayo sa lahat ng bagay.
pwede mong baliktarin lahat ng undesirable behavior, dun sa part na mahirap mabakunahan dahil nangangagat, insecure siya dahil natatakot siya na tutusukin siya, nasa utak na niya na masamang experience yun kapag babakunahan na, pano nangyari ito? kasi iniipit ang ulo niya sa pagitan ng paa, itinatali sa gate ang ulo para maturukan, at iba pang man handling procedures. desensitisation ulit ang sagot dito, gawin mo lang positive experience. ireward mo ang magagandang behavior. kapag dadating ang vet, bigyan mo siyang treats, lalo na kapag kalmado siya. pag babakunahan na siya, relax lang dapat, mararamdaman niya yun kapag tense ka, tapos ireward mo siya ng ireward at ipraise mo ng todo. patience lang talaga tol. vet, vaccination = rewards and lots of praise = good experience
ang pinakamadali ngang gawin ay ibandon siya. pero ito ba ang tamang gawin? nung dinala niyo siya sa bahay niyo years ago naisip niyo ba na walang space para sa kanya? ang pet ownership ay lifetime commitment, hindi dapat inaabandon ang mga alaga natin. ang anak mo ba iaabandon mo dahil wala nang space sa bahay? syempre hindi. kung mahal mo talaga ang aso mo hindi mo siya ipapamigay o iiwanan, gagawin mo ang lahat para marehabilitate siya, kung meron kang mga tanong tungkol sa dog training at behavior rehabilitation (desensitisation, NILIF, Basic Obedience, positive reinforcement, clicker training, etc.), tutulungan kita, pwede rin kitang irefer sa mga dog behavior specialists.
PEACE