Wala naman effect pag sobrang malamig, kahit tamang lamig lang na galing sa gripo.
Eto techniques ko sa mga itim na pantalon ko.
1. Pag washing machine pag sama samahin lahat ng itim na pants. Pero yung tama lang para makaikot yung washing machine.
2. 2 cups ng powdered soap. Yung walang bleach, pang puting damit lang ang bleach. Tapos kuskusin kung may part na naputikan o namantyahan.
3. Wag isasampay directly sa araw. Ang ginagawa ko dito samin may bubong yung sampayan namin mga hapon (mga 1pm onwards) lang natatapatan ng araw yung mga damit. Inuuna ko muna yung mga puting damit bago yung mga pantalon (nakadryer naman kaya mabilis na din matuyo). Its a BIG NO NO ang sunlight sa dark jeans. Same as black chucks. Which happened to me nagkamali ako ng sampay sa chucks na shoes ko ayun ang pangit na hindi na siya itim. Hanggat maaari airdry nyo lang. Pwede din itapat sa likod ng aircon.
Add ko pala
4. Wag din ibababad ang itim na jeans. Kasi maghihiwalay yung itim/dye nya. Kaya pansin nyo pag nilalabhan nyo yung mga itim o blue na jeans kulay blue or black yung kulay ng tubig.
5. Same as 3. wag din masyado magbilad sa araw gamit yung jeans. Tapos heat absorbing ang darker color kaya maiinitan din kayo.
Ayun.