Naisip ko lang mga kapatid na nag-sasax, magplano kaya tayo ng EB para sa lahat, from aspiring, beginners and advanced players.
Ideas lang muna tayo ngayon, basta maumpisahan lang(kahit once a year and kahit sa simula ilan lang tayo ok na). Suggest lang mga bro...
eto ang sakin sa simula...4 hours Program (with drinks at chichirya ok na)
a. Jam and actual sharing of tips and techniques among members (ingay lang siguro naten nito
kapag nagkasama-sama
para mainspire ang grupo. Gawin nating very informal at fun.
b. Sa EB pede tayong magdala ng extra sax (yung iba kung merong for sale ok yan, para yung mga
naghahanap, maraming options, yun namang nagtitinda dami ring potential buyers). Para maka-try
narin at maka-encourage ng mga aspiring members.
c. Invite natin yung mga matagal ng nagsa-sax dito sa forum para makapagbigay ng mga tips at demo.
and mga adlib.
d. Pede ring mag-grupo-grupo para sa group impromptu improvisation contest during EB. Halo-halo na ito
from beginners to advance para masaya. Tapos yung mga masters ang mga judges. Of course may
prices(reeds, sax shirts, etc.)
e. Siyempre at the end of the day di mawawala ang picture taking sa EB para mai-share natin dito sa
forum.
What do you think? All suggestions welcome...
God bless,
Encore