hmmm mahabang kwento 'to. kahit yung last few paragraphs lang basahin niyo haha
may banda kasi sa high school namin, grade school pa sila banda kaso kulang sila ng bassist. nung time na yun, di pa ako sigurado kung bass o drums ba aaralin ko, kaya sinubukan ko sumali. kaso nung nagjam na kami, parang mas nagclick ata yung drumming ko dun sa dalawang gitarista kesa dun sa drummer nila nun. eventually, lumipat ng banda yung drummer na yun (at sobrang mas magaling na siya sa akin haha), so natira ako at yung dalawang gitarista (si aaron at si dylan, para mas madali ikwento) na wala pa ring bassist. grunge at metal tugtugan namin nun.
nung first two years sa high school, naghahanap lang kami ng bassist kaso walang nagstick. eventually, nag-hiatus na rin... si aaron, lumipat ng genre (from grunge/metal, naging acoustic pop-rock) at sumali sa isang banda kasama ng mga kabarkada namin. kami ni dylan, gusto tumuloy kaso walang nangyayari. nung panahong na yun, may isang kaibigan kami, si mikey, na nagaaral magbass. dumaan siya sa punk tsaka sa funk, kaso gusto pa niya magexplore ng ibang tugtugan.
nung first year college na kami, nakontrata namin ni dylan si mikey at yung kuya niya (gitarista yun) sumali sa amin. sa bahay kami ni mikey nagjam nun, kasi nasunog yung drums ko kaya nakigamit na lang ako ng kit. nagsulat kami ng mga kanta, kaso mostly covers tinugtogn namin. naka-gig naman kami, kaso nothing steady. eventually nag-fizzle out din. si mikey sumali ng UP music circle, tapos naging active siya dun (two-time president siya). marami rin siyang binuo at sinalihang banda nung panahong yun.
nung third year na, kinontrata ako ni mikey na magdrums dun sa isang plano niyang banda ng mga ka-org niya, na parang mars volta daw yung tugtugan. nagjam kami ng onti, may nasimulan kami isulat na kanta kaso wala rin natapos. dun ko nakilala si gino, isa pang gitarista na gusto rin mag-metal.
nung fourth year, biglang nag-resurface si dylan, magjam daw kami. syempre payag naman ako haha syempre as usual, metal mga ginagawa namin kaso this time
it worked. considering improv jam lang yun at puro mga on-the-spot niya ginawa mga riffs niya, ang sarap nung tugtugan namin nun. nagdesisyon kami na ibuo uli yung banda. initially, kukunin namin si mikey kaso ayaw niya kasi busy siya sa ibang banda. buti na lang sinabi niya sa amin na kunin namin si gino, kasi ganun ding tugtugan gusto niya. kaso bastos rin kami ni dylan e, sa bahay kami ni mikey nagpapractice kaya eventually, napasali din namin si mikey hehe. dahil din kay mikey at gino, sumali kami ni dylan sa UPMC (kahit OSY si dylan at atenista ako)
so yun, ngayong graduate na ako at si mikey, nagaaral pa si gino at kung anu-ano pinaggagawa ni dylan, solid na finally yung lineup... kaso napansin niyo ba sa kwento ko na sa buong kasaysayan ng pagbanda namin, wala kaming naging bokalista? laging instrumentals lang haha kaso may sinusubukan kami ngayon, sana mag-click naman.
nagsimula ako bilang yung outsider na gusto sumali sa established na banda, kaso dahil naging kaibigan ko rin si dylan (parang kapatid ko na yung kumag na yun e) may nabuo pa rin kami kahit parang wala nang pagasang may mangyari pa. dapat ganun e, hindi lang dapat tugtugan ang hanap niyo sa banda, dapat pagkakaibigan na rin. in the end mas magiging importante naman yun e (at kung naging magulo nga banda niyo, at least meron ka pang kakapitan).
tsaka sa totoo lang, nung mga panahon na wala akong banda, di ako humahawak ng drumsticks... kaya andami ring downtime na hindi ko nadevelop yung skills ko. sayang rin. oh well
yun. haba grabe! halatang wala ako ginagawa sa trabaho