isang araw, pumunta ako sa isang skateshop na bagong tayo lang sa isang mall dito sa maynila. i was looking for riser pads. sabi ko, "may riser pads ba kayo?" sumagot yung isang salesman habang tatawa-tawa, "ser, wala nang gumagamit ng riser pads ngayon." sabi ko, "talaga? hindi na ba uso? kasi yung gulong ko 54mm, eh yung clearance ng trucks ko sakto lang naman kaso gusto kong luwagan yung kingpin ko, so tatama sa deck yung gulong (wheelbite)." sabay banat si kolokoy ng, "eh sir 2 years kasi akong nagtrabaho sa (isang skate shop dito sa manila na hindi ko na babanggitin), wala nang gumagamit ng riser pads." sabi ko, "teka, nag-s-skate ka ba?" banat sya ng, "wala kaming riser pads eh."
haayyyy... akala ko kung ano yung umaalingasaw na amoy eh, ebak pala...