^ Nakaexperience ako sa SM manila nyan. nagpapaikot-ikot ako sa parking area tapos from the other side may nakita akong pasakay ng sasakyan nya. So I headed that way, merong adventure sa likod ko na nakasunod. May bumabang ale dun sa adventure, crossed over to the other side, tapos lumapit dun sa sasakyang paalis na tapos tinuturo nya dun sa binabaan nyang adventure na nasa likuran ko...
Eh since ako nga ang nasa unahan, ehdi ako yung unang nakaikot papunta dun sa vacant slot.. Humarang yung ale dun sa slot, eh since malapit sa corner huminto muna ako sabay busina kay ale, at paparking nga ako. Tapos si adventure sa likod ko busina ng busina sakin. Pero hindi ako nagpatinag, my vehicle arrived first so akin dapat yung slot na yun. Tapos nagkaroon na ng build up ng sasakyan sa likod namin dahil hindi ako tumuloy at panay na din ang busina nila, hanggang natakot yung ale at tumabe na sa gilid tapos sakay na dun sa adventure sa likod ko .tapos saka ako nagpark.
Tell me guys, have I been an a$$ nung nakipagmatigasan ako dun sa adventure at dun sa ale??