my point-of-view
why do most of us despise signature items? take for example na lang ang prada bags. why do you despise them? is it because:
1. you can't afford it
2. you don't think you'll use/need it
3. both
I THINK, people who tend to buy these expensive things have their 'not so valid' reasons (not-so valid sa level nating mahihirap or middle-class). isa na siguro sa mga resaons na yan ay ang pagkakaroon ng mayayaman ding kaibigan or acquaintance. at/or isa silang kilala/sikat na tao. sa tingin niyo kung hindi mayaman, mei kaya, or kilala ang mga taong nakapalibot sa kanila ay bibili pa rin sila ng mga ganyang gamit?
at dyan pumapasok ang salitang... INFLUENCE
disclaimer: hindi po ako mayaman. hindi din po ako sikat. at lalung hindi ako big fan ng mga mahahalin/imported na gamit..
lastly... pag halimbawa mei partner kayong mahihilig sa mga mahal na gamit... tapos binanatan niyo ng 'bakit ba ang hilig mong bumili ng mga mamahaling gamit?' at binanatan ka niya ng 'eh bakit ikaw bumibili ng mga mahal na gitara (or accessories)?'
anong isasagot niyo? anong irarason niyo? hind mo pwedeng sabihin na magkaiba yun dahil the way i see it ay pareho lang kayong bumibili ng mahal na gamit. di mo din pwedeng sabihing neccessity or need mo yun (not unless musician ka by profession). pero kung hilig mo lang yun, hindi ka pwedeng mag rason na neccessity yun. pwede mong sabihin na dahil sa 'quality' pero pwedeng yan din ang isagot niya sayo. so lalabas pa din na pareho nga lang kayong bumibili ng mamahaling gamit.
so anong isasagot mo? di ba hindi naman kayo nagkaiba?