sa totoo lang, walang factory ang CROWN sa China, obviously gawa ang mga LPS amplifiers na ito by an OEM manufacturer under the watchful eyes of CROWN.
katulad lang ng marami, naka ilang bukas na din kami ng CROWN (MT, Macro Tech, K Series) and the workmanship and even the quality of the components are not even close to CROWN product na 20 years ago. Mga high end models nalang ginagawa sa US, mga LPS and XLS, sa china nalang yan ang tatatakan ng CROWN. Parang QSC din, merong China and merong gawa pa talaga sa USA.
pero, kahit sa nasabi natin. pag dating sa ENRTY LEVEL Amps, kung CROWN LPS lang versus mga SVENTA, KEVLER, Behringer at ewan pang mga pilit na binebenta dyan dyan, bibili nalang ako nitong Crown LPS, mas may value, mas may porma, mas may resale value. Kung nahihinaan ka, mura na siya, bili ka ng dalawa and BRIDGE mo nalang per speaker. Masmaporma lalo!!! Kung masira, palitan mo ng bago, baka ang repair nito pag nasira eh kalahati na ang gastos.
pero, kahit lahat yan nasabi ko, wala paring gaganda sa pag bili ng mas mataas na modelo ng mga brands, mas matibay, mas maganda parin mga yun. kaya nga ENTRY LEVEL tawag sa mga amplifier na below $600 kasi nga ginawa sila para maging mura, hindi para maging matibay at maganda.
Kung meron ka pang internet at pang bili ng magandang cellphone..nararapat lang na may pangbili ka ng amplifier na pang hanap buhay mo.
Salamat