mga tsong meron lang ako gusto i share na experience...mahilig kc ako mag kalikot ng mga pickups ko, pero minsan kahit na pulido yung wiring ko, meron akong napapansin na isa sa pickups ko ay kulang sa gain at mahina ang output (ito yun pickup na yun = EMG-SEHG), sinama ko sya sa Seymour Duncan na pickup..pero mahina talaga tunog nya..last saturday, nagpunta ako kila mang max...meron dalawang tao dun na may dalang tokai na LP, nag pa check up sila ng P.U. nito..tinest ni mang max..sibi nya..out of phase daw ang tunog...naging curious ako di ko kasi alam anong term sa guitar ang out of phase..tinuruan nya kami..kung papaano itatama yun para lumakas ang gain ng pickup at lumakas ang mids..babaliktarin lang pala ang polarity ng out of phase na P.U., sabi nya malalaman mo pag out of phase ang P.U. pag:
1. mahina ang tunog nito..
2. pag gamit mo yung dalawang pickups mo..pareho silang humihina..
nalaman ko din na magkabaliktad pala ang polarity ng diagram ng EMG & Seymour Duncan..
kaya kung pagsasamahin mo yung SD & EMG Kailangan Isa sa kanila babaliktarin mo Polarity (i.e. yung hot gagawin mong ground wire)
dun ko lang natutunan yun, sa tagal ko nang nag kakabit ng P.U.
ayus...binigyan pa ako ng pots ni mang maxx, made in japan..heheheh
sana makatulong to sa mga mahilig din magkalikot ng guitar heheheh
peace