first teacher ko si elmer saul sa rj galleria. sa kanya ko natutunan ang note reading, rudiments (na di ko talaga trip noon) at basic heel up technique. tinuro nya rin yung trad at matched grip sa kin pero nag stick ako sa matched. pinakilala nya sa kin yung instructional videos. halos pareho kami sa taste ng music kaya enjoy ako sa mga play along na binibigay nya. i wonder where he is now.
minsan pag wala si elmer, si carl guinto naman ang proxy (nung nagpakilala sya sa kin, sabi nya "ako yung drummer ng vanna vanna, tinutugtog namin 'am i the same girl'"). best advice na nakuha ko kay carl, play it simple. para kasi akong octopus pumalo noon, fill dito, fill dyan, tapos pabago bago pa ng beat after every fill.
last year, after nine years ng walang improvement, nag lesson ako kay senyor mar at dun ko narealize kung gano ka importante yung mga di ko pinapansin noon. rudiments nga ngayon ko lang na appreciate. shuffle kong sabog naaayos dahil sa isang simpleng advice, stay focused (sa right hand). lalo ako nagka interes sa latin/afro cuban drumming kasi naturo nya rin yung basics ng maayos na akala ko noon e parang syncopated rock beat lang na yun pala e linear patterns na
@daemonite --
guide you? MEE? not worthy pre, influence maybe but i suck as a teacher. salamat na lang sa pagmention