TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician
Tech Forums => Gadgetopolis => Topic started by: musicianurse28 on December 15, 2016, 02:15:46 AM
-
Pasakay ako ng kotse nang mahulog mula sa maliit at maluwag kong bulsa tong J7. Pagbagsak sa aspaltong kalsada, nabasag ang screen. Yung glass screen lang naman ata, di kasama yung LCD mismo.
Tanong:
5k ang singil sa repair. Mura na ba yon? O not worth it na?
Thanks.
Ang masakit dito, pinahiram lang saken yung J7 ni utol kasi naaawa siya sa talagang phone ko at outdated na rin kasi. Kung mamalasin ka nga naman talaga minsan oh.
-
^ano sabi sayo nung repair man? glass screen lang covered ng 5k o kasama lcd panel?
-
Pasakay ako ng kotse nang mahulog mula sa maliit at maluwag kong bulsa tong J7. Pagbagsak sa aspaltong kalsada, nabasag ang screen. Yung glass screen lang naman ata, di kasama yung LCD mismo.
Tanong:
5k ang singil sa repair. Mura na ba yon? O not worth it na?
Thanks.
Ang masakit dito, pinahiram lang saken yung J7 ni utol kasi naaawa siya sa talagang phone ko at outdated na rin kasi. Kung mamalasin ka nga naman talaga minsan oh.
mahal paps. magkano lang J7 na brandnew. (11k if im not mistaken) kung glass lang sira makikita mo anman yun (may discoloration sa parts ng basag)
imho tho, pag LCD sira... go to the licensed repair center. mahirap sumugal sa greenhills. may LG yung pinsan ko nabasag screen, pinarepair niya sa greenhills, it wasn't the same anymore. hindi na accurate yung touch screen.
-
Okay na mga paps. Di ko muna pinarepair. One store to the other ang range 5k to 6.5k eh. Mas napamahal pa. Reasons nila, 2015 daw ang J7. Updated pa.
Kako mag 2017 na! :eek:
Anyway pinagawa ko na lang yung nasira kong iphone5s. 1.5k lang inabot ko sa screen at lcd. Mas tipid kahit napagastos.
Lesson: Protect your investment talaga. It applies to all.
-
Yung front glass mura lang yan papa. Ang pang s6 edge nga 2k lang. Yung sinasabi niya, presyong 2nd hand na pristine J7 2015 na.
-
eto ba yung pwede ka manood ng tv?
-
Napaka OP naman nyan, dito sa Saudi, parang 250 Riyals o 3k+ Php lang magagastos, basag na screen yan ah, Pati ung Note 5 na kakilala ko dito, ganyan din ang singilan.
Mas mahal ang gadgets sa Saudi, pero pagdating sa repair, mura sila.

Ang katuwiran kasi ng Tech dito: eh kasi mam / ser sa ibang bansa pa namin binibili parts nyan, gagastos sa shipping labor pa
Kaya napakalaki ng kita ng mobile techs dito sa Pinas, kesa nga naman kasi bumili ng bago minsan mas nakakamurang magpagawa, sinasamantala naman din ng mga ungas na maningil ng OP.
Nagpagawa ako ng iPhone 5 sa GH last year, nahulog kasi sa tubig at di na bumukas, nung dinala ko binlower lang yung board, binalik tapos OK na ulit na parang walang nangyari. Masakit lang sa loob na 3k yung binayad ko sa paraang kaya ko palang gawin nalang mag isa.

mas masaklap eh Php500 lang ang blower ng buhok. Php399 nga lang bili ko sa ginagamit ko dati haha.
tapos maitatago mo pa for future use.

Talent talaga nila ang binabayaran ng costumer. Di lang talaga makatwiran mamresyo, minsan sasabihin pa nila "ay sira din yung ano / ganyan" kahit hindi naman, additional eh.
-
Sale nga pala ang Samsung J7 ngaun sa Lazada.
Badtrip. Kung alam ko lang na magsasale, dun na ako bumili.

yung prime bilhin mo kung J7