Try mo rin manood ng mga hindi gitarista, marami kang mapupulot sa kanila! Minsan kasi nakaksawa yung
puro gitarista, maghahanap ka ng ibang dimension sa playing mo. Manood ka ng mga bahista, banjoist,
mandolinist, violinist, cellists, kahit keyboardist may mapupulot ka.
Isa sa mga pinakamagaling na bahista, si Victor Wooten, sabi nya, pag pinahawak ko ang bass ko sa
keyboardist, tutugtugin nya na parang keyboardist, pag binigay ko sa saxophonist, hahawakan at tutugtugin
nya parang saxophonist; at dun nya natututunan kung paano pa ma-expand yung kaalaman at skills nya sa
bass guitar.
Dapat ganun din tayo sa guitar. So kung electric guitar ang hawak mo, nood ka rin ng maraming classical
at acoustic, kasi dyan nanggaling lahat. Ibang string instruments din para may malaman ka sa tone at
phrasing. Ibang instrumento rin para maatutunan mo kung saan ka magsisit sa mix at sa orchestration.
Pag andami mong pinanood na hindi lang gitara, hindi ka magsasawa na pag-aralan yung instrumento mo
kasi laging may bago na makakainspire sayo