hulika

Author Topic: Sino sa inyo may bahay o Kwarto na puro kahon, at tambak tambak na damit &gamit?  (Read 11617 times)

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
May nakita ako FB video ng isang kakilala ko na nagwowork abroad..nagpost siya ng video na nagiinuman sila sa bahay. tapos sobrang gulo ng bahay niya..tambak tambak ang kahon. at gamit, mga damit nagkalat..

hanggang mga ballpen na walang tinta at pentel pen na tuyo..nakatago padin..
mga basura ng iba..pilit na kukunin from the dumpster sa paniniwalang  "PWEDE PA TO AH"...


iba talaga ang taong masinop..your thoughts sa ganitong lifestyle?

"turn off" ba to sa iyong palagay? may mga chicks at mga guys din na 30' ish..na pero baboy padin sa kanilang mga kwarto at bahay.

YORTOTS?

Para sakin, napaka laking peeve ko ang ganitong ugali..hindi ko maimagine na may syota ka or asawa ka na ikaw pa nagliligpit ng mga pinagsu-suot niya.. lumaki ako first hand sa ganitong household..kaya pinangako ko sa aking sarili na hinding hindi ito mangyayari sa bahay ko...

aking naging maxim ay "ITAPON NA TO!" or TAPON LANG NG ITAPON...

kapag akong napapabili ng sapatos, hindi ko na inuuwi ang kahon..at kalat lang ito..
hindi ako bumibili ng mga souvenirs at mga small trinkets na pangdisplay..at 100% itoy nagiging dust eaters lang..
inaayos ko ang office desk bago umalis ng office..
kayo..paano ninyo nilalabanan ang CLUTTER?



« Last Edit: May 08, 2013, 05:33:28 PM by gandydancer123 »
*RC MUSIC EMPORIUM *
PEDALS & ACCESSORIES FOR SALE
PM: http://talk.philmusic.com/index.php?topic=283433.0      FB: https://www.facebook.com/RcMusicEmporium

Offline chonggoloid

  • Regular Member
  • ***
itupi ang mga kahon,itapon ang mga di kailangan.mga plastic itabi pwede pang pag lagyan ng basura ex:patay na tao. :drool:

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Hahahaha putik may thread pala na ganito!?!?!? Hahaha
*RC MUSIC EMPORIUM *
PEDALS & ACCESSORIES FOR SALE
PM: http://talk.philmusic.com/index.php?topic=283433.0      FB: https://www.facebook.com/RcMusicEmporium

Offline rickbig41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
mga box ng biniling gadget, itabi, dagdag presyo yan...  :lol:

mga box ng sapatos, pabango, plastic ng damit, malaking karton ng mga kung ano ano, pakilo na yan...

mga guitar stuffs na napaglumaan, electronics na pang DIY na di pa tapos, sabay sabayin lang din sa isang box... para pag may time na gumawa ulit, andiyan lang sila...

ako, di rin ako mahilig mag iipon ng kung ano anong mga di magagamit, like mga sirang gamit, computer parts etc etc... 
Those who did not learn from history are meant to repeat it...

Offline kurtcobainer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Ngayon, nagsisimula na ulit mag-pile-up yung mga box ng sapatos dahil nangongolekta na ako ng mga sapatos. May mga box pa ng laruan at mga Apple products.


Sent from my iPad using Tapatalk


Offline Uggicabs

  • Senior Member
  • ***
 :lol: guilty!

Offline ARTificial

  • Forum Fanatic
  • ****
Hoarding! hehe Mahilig ako mag tabi ng mga gamit kahit luma na pero naka ayos naman di yung ganyan! :-D
pag ganyan na yung bahay lalayas na ko! malamok kasi pag mga damit yung nakatambak e.
Quote
The Dream is FREE, But the HUSTLE is sold separately

MOVE your Ass!

Offline KASALANAN

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Date nung bata bata pa ko, I used to be sentimental about my stuff, tapos itatago ko for years, tapos pagnag general cleaning ako, marerealize ko hindi ko pala kelangan yun item. Kaya ngayon, when I dont need an item (damet, effects, o kung ano man) I make it a point na madispose kagad kesa maging tambak nanaman sa kwarto haha.
references:mrpentatonic,mavsweep,pepeman,guitarpoets, studiowan,shredmaestrobri,sereyor,darkflan,maniacally_cool,bentoinks, kurseth,caloi,alcohol,ryansatriani,rg570,jhule77,ARIS,freongang,jamesroy,brianlp,nimrodthebomber,gruthang,inigo,buls,tapslore,

Offline houdiniroyo

  • Forum Fanatic
  • ****
ako hindi ko puwede itapon yung mga box ng mga sapatos kasi for collection siya.. mawawala yung resell value  <_<

Offline DiMarzSiao™

  • Philmusicus Addictus
  • *****
yep!

that room., na mahirap linisin. pag medyo sinipag na iligpit ang mga abubot., parang bigla kang tatamarin pag pasok mo sa loob.
ahaha.,


← ʍɐʎıɥ

Offline ierofan

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Room? Kwarto? sa lola ko, buong bahay! hahaha~!!!!!
████████████████████████████████████████████████████████████████████████

[This signature has been blocked in accordance to RA No. 10175]

Offline ARTificial

  • Forum Fanatic
  • ****
Room? Kwarto? sa lola ko, buong bahay! hahaha~!!!!!

kung mga lumang gamit yan okay lang I think, kung puro antigo sarap mag pick dyan hehehe
Quote
The Dream is FREE, But the HUSTLE is sold separately

MOVE your Ass!

Offline Brewstein15

  • Forum Fanatic
  • ****
Sa bahay namin makalat.

Every vacation,tsinatyaga ko talagang linisin ng buong buo ang bahay.Pag may pasok na ako,ayan na naman ang kalat.

Dapat siguro talaga pati kasama mo nakikisama sayo.

Buti na lang yung GF ko masinop at malinis sa bahay nila.Mukhang magkakasundo kami sa iisang bubong.Hehehe...
references: Zakiya897, Llever_custom, amorkulasisi, mikko21ganja, ryann, darxide_chronology, hwan, brax_monster, zero44, renmarquez, rowell.sales

Offline jepbueno

  • Philmusicus Addictus
  • *****


Hahahaha putik may thread pala na ganito!?!?!? Hahaha


Putik binasa ko uli kung sino TS! hahaha

Just had a general cleaning last night, nakakagaan ng loob. Ako ang kalat ko puro papel, mga scratch paper drawing ng kung ano-ano haha.

Box ng sapatos doon ko nilalagay mga bihirang nagagamit. Pag naglilipat kasi ng place kailangan ko yung mga box.

Anong ginagawa niyo sa mga?:

-damit na hindi niyo na isusuot ever, as in. haha
-mga souvenirs ek ek na naipon
-plastic bottles?
-mga lumang charger ng phones, and other electronic trash.
-lumang tsinelas na maayos pa naman pero bihira na magamit

Offline ARTificial

  • Forum Fanatic
  • ****

Anong ginagawa niyo sa mga?:

-damit na hindi niyo na isusuot ever, as in. haha
-mga souvenirs ek ek na naipon
-plastic bottles?
-mga lumang charger ng phones, and other electronic trash.
-lumang tsinelas na maayos pa naman pero bihira na magamit

-yung mga damit na di na kasya? hehehe pag in good condition pa, nilalagay sa isang kahon na malaki, yung pang balik-bayan kasama ng mga luma, at "give away" Bags.

-mga souvenir? eto ba yung mga kalat na pinupulot mo sa bawat lugar na puntahan mo?or pag may unforgettable moments? haha dati mahilig ako sa ganito, mula key chains hanggang sa balat ng candy! Tinapon ko na halos lahat ngayon, naisip ko kasi masyadong marami hehe pinili ko nalang yung talagang maayos at inilagay sa isang kahon ng sapatos.

-Plastic Bottles binebenta sa junk shop pati yung mga lata tinatanggap! (linawin ko lang di ako yung nagbebenta ha :-D)

-mga E-Waste Isang problema rin sa amin to. sa ngayon nakatambak sa Dirty Kitchen. yung iba ipinamigay na rin sa mga interesado.

-lumang tsinelas? Actually di ko alam kung paano dini'dispose ng nanay ko yan! pero yung mga lumang Sapatos na maayos pa, iniipon din at isinasama sa mga lumang damit, tapos dino'donate! Seryoso yan may kaibigan kasi ako na bumuo ng isang NGO, sya na bahala dyan!
Quote
The Dream is FREE, But the HUSTLE is sold separately

MOVE your Ass!

Offline 24242009

  • Forum Fanatic
  • ****
watch the show "hoarders" on bio channel

Offline jmbrul143

  • Regular Member
  • ***
thanks a lot for this thread I learned so much. but my side is in middle. hehehe.,
sarap kaya mangalakal sa mga kalat ng bahay