The remastered vinyl will be based on the 2009 digital remasters. We better check them out soon!
OK na ako sa Beatles USB stereo 24bit ko kung kokopyahin lang rin mula sa 2009 digital remasters yung Remastered vinyl.
Naisip ko rin kaya lang naman niremaster yung CD kasi palpak yung 1987 copies. Naisip ko rin na bakit hindi na lang sa original analog master kopyahin yung ilalabas na bagong vinyl kaysa sa bagong remasters? hindi ko pa naririnig yung mga pinaka unang UK pressing pero maraming nagsasabi na mas maganda pa raw yun kaysa sa 2009 remasters? sana ganun na lang gawin nila para maramdaman din ng mga kabataang ngayon yung pakiramdam ng mga fans ng beatles noong una silang lumabas.
Dagdag ko lang yung mga pangarap kong irelease nila.
Stereo/mono box set in dvd-audio and blu-ray.
Beatles USB 24bit in MONO (tulad ng Beatles USB stereo)
individual sale ng Mono remaster.
Stereo/mono ng beatles Remixes.. (hindi yung remix na pang jeep na may Beat, kumbaga ayusin lang nila yung pag separate ng mga tracks. minsan kasi yung sa kaliwa yung vocals tapos lahat ng instrument sa kabila. hirap pakinggan sa headset.)