hahahaha TS painom ka na
isang magandang hapon ay naupo si RedLights sa isang bulko ng dayami na malapit sa dumi ng kalabaw at lumanghap ng preskong hangin.
sa ganda ng paligid at panahon ng oras na iyon, nakakuha ng inspirasyon si RedLights. kinuha ang kanyang kopya ng librong Lambingin ang Lambi, binuksan at dumiretso sa blankong pahina sa likod at doon ay sumulat sya ng isang tula.
ang tula ay kumalat. bawat linya ay ginto sa bibig at tenga ng mga magsambit. ang mga berso ay pinitas at nilagay ng mga fb users sa mga larawang may dagat, bundok o ano pang tanawin na pinatungan ng gresyscale, sepia o lomography filter at ginawang quotes.
dumapo sa kamay ng Cueshe ang kopya ng buong tula at nagdesisyon silang buuin ulit ang banda at gawin isang kanta ang akda ni RedLights.
ito ay naging piling tugtugin sa mga istasyon ng radyo. bawat sulok ng Pilipinas ay may alingawngaw ng kanta ng Cueshe na nilikha ni RedLights.
ipinagtulakan ng masa sa kongreso na gawin itong National Anthem at wala pang 3 araw, sa bisa ng RA 90210, ito ay ipinalit sa pambansang awit. ipinadala ito sa ibang bansa at isinalin sa lokal na lenggwahe, kahalintulad ng kantang Anak ni Ka Freddie.
Sa aking pagkakaalam, meron ding ilalabas na lathala na may pirma ni Mr. University. ito din ay dapat bigyan ng pansin.
maging si Mr University ay lumantad at umaming supot pa siya. sa kasamaang palad, hindi pa din ito tinangkilik ng masa ng Philmusic at ginawang tampulan ng tuwa.
at maidagdag ko lang, si Saxtone ang naglapat ng melodiya at nagsilbing punong saxophonist ng unang tugtugin ang akda ni Redlights bilang pambansang awit.