Salamat sa bagong makabuluhang post paps hahaha
May isa pang possible technique para malaman ang current draw ng pedal mo, na may involved na kaunting electronics. In case wala sa list syempre (although last I checked, halos kumpleto na siya).
Need mo ng:
1. multimeter,
2. tatlong wire na may alligator clips,
3. 1% or tighter tolerance resistor, 1K ohms,
4. 2.1mm plug na hindi pa naka-solder sa wire,
5. power supply or fresh battery,
6. pedal na ite-test
Step 1. Isaksak yung 2.1mm plug sa DC jack ng pedal na ite-test. Set aside.
Step 2. Ihanda ang mga wire na may alligator clips.
2-a. I-hook ang isang wire sa negative (-) terminal ng plug na nakasaksak sa pedal, and battery/power supply (wag muna isaksak).
2-b. I-clip sa magkabilang dulo ng 1K ohm resistor ang natitirang dalawang wire.
2-b-i. Yung isang wire, i-connect sa positive (+) terminal ng power supply/battery, at yung isa pa ay i-clip sa positive (+) terminal ng plug na nakakabit sa pedal.
Sa puntong ito, dapat nakapagitna na sa positive (+) terminal ng batter/power supply and positive (+) terminal ng pedal ang 1K ohm resistor.
Step 3. Isaksak na ang power supply kung ito ang gamit niyo. Buksan ang multimeter sa volts (V) setting, at iipit sa negative (-) terminal ng battery/power supply or pedal ang black lead. Idikit ang red lead sa positive (+) terminal ng battery/power supply para malaman kung ano ang actual voltage reading mula sa kanya (minsan mas mataas o mababa sa 9V; hindi naman ito malaking problema na dapat ika-cause ng concern). Isulat ang reading na ito sa papel.
Step 4. Idikit ang red lead ng multimeter sa positive (+) terminal ng plug na nakakabit sa pedal, at isulat ang voltage reading nito sa papel.
Mapapansin niyo siguro agad na mas mababa sa voltage kanina ang reading na makukuha niyo. Normal ito dahil may 1K resistor tayong "nakaharang" sa free flow ng kuryente papunta sa pedal.
Step 5. Hilahin na ang power supply o i-disconnect ang battery dahil tapos na tayo magsukat. I-minus ang mababang voltage reading sa mataas para makuha ang tinatawag na "voltage drop across the resistor." Ngayon, i-divide ang nakuhang voltage drop sa 1000 (1000 ohms ang value ng gamit nating resistor) at makukuha niyo na ang current draw in amperes.
Sample calculation:
Kagagawa ko lang ng pedal, BOSS FA-1 clone. Ito ang nakuha kong mga sukat gamit ang multimeter ko at OneSpot PSU.
PSU voltage = 9.40V
Voltage sa likod ng 1K resistor = 8.05V
9.40 - 8.05 = 1.35 (ito ang voltage drop)
1.35/1000 (value ng resistor) = 0.00135A current draw or 1.35mA
Kaya ko pala pinili yung 1K value na resistor ay dahil no need to divide by 1000 yung voltage drop dahil antimano ay mA value na siya, assuming na 1000 ohms talaga ang value ng gamit niyong resistor.
Sana'y pakinabangan niyo mga papi!
EDIT: Depende sa expected mong current draw from the pedal, need niyo rin pala i-adjust yung value ng resistor na gagamitin. Kunwari, kung mga more than 10mA ang expected niyo na current draw, need niyo ibaba yung resistance to either 100, 10 or even 1 ohm. Maigi sigurong mag-stock ng mga value na ito ng resistor kung magte-test din kayo. Enjoy!